TWD 8

60 2 0
                                    


[LIA'S POV]


Tahimik kaming naglalakad papapok ng palasyo nang makita namin ang aming ina sa pinto, naghihintay.

"Bakit po kayo nandiyan?" tanong ko nang makalapit kami sa kanya.

Ngumiti siya sa amin, "galing ba kayo sa palasyo ni Pis?"

Tumango lang kami.

"Nasabi mo na ba sa kanya na magiging parte ka ng Zodiac Protectors?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako.

"Nagpaturo ka ba kung-"

"Ma," si Brali, "huwag muna kayo magtanong tungkol diyan."

Nauna na siyang pumasok sa loob kaya naman sinundan namin siya. "Ano'ng huwag magtanong? Kailangan ng kapatid mo ang tulong ni Pis para ma-kontrol ang mga kapangyarihan niya."

Huminto siya at lumingon kay Mama. "Bakit? Alam mo ba ang magiging kapalaran niya? Magiging Protector ba siya?"

"Oo!" sigaw niya, "kailangan ni Lia maging Protector para siya ang magtatanggol sa atin dito."

"Ma." Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, nakangiti.

"Kung hindi magiging Protector si Brali, hindi rin ako magiging Protector."


Iniwan na lang namin siya at pumunta sa kanyang-kanya namin kuwarto. Alam kong nagtatampo si Brali dahil sa kagustuhan niya na maging Protector. Kahit naman ako, gusto ko na magkasama kami, kahit sa digmaan pa.

Masyado natuwa si Mama nang malaman niya ang mangyayari kapag naging Protector sa bayan na ito. Kikilalananin kasi rito na siya ang pinaka-makapangyarihan at aasahan na magiging pinuno rito.

Sinabi niya na kailangan maging Pisces Protector ako dahil nakita nila, ng mga kamag-anak namin, na mas nakokontrol ko ang tubig kaysa sa hangin.

Pero, hindi pa namin naipapakita kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng hangin kapag pinagsama namin ang lakas ni Brali.


"Lia," si Mama kumakatok sa pinto, "lumabas ka muna, saglit."

"Bakit po?"

"Nandito ang mga kapatid ng Papa mo. Gusto ka nila makita."

Tuluyan na kong humiga sa kama, malamang gusto ng mga 'yon ipakita ang kapangyarihan ko.

"Patawad. Matutulog ako, pakisabi. Salamat."

"Lia!"

Pumikit na lang ako at humiga. Bukas na lang ako kakain.




Nasaan ako?

Alam kong panaginip 'to. Pero, hindi ko alam ang lugar na 'to.

Hindi ako nag-iisa, marami kami ang nandito. Nakatingala sila sa langit, mukhang may inaabang sila.

Isa isa kong tinitignan ang mga tao na 'to. Pero, nakita ko si ate Pis at Brali.

Madilim ang paligid, hindi ko makita ang buwan at mga bituin. Hindi ko matukoy kung may bagyo ba na darating.

Tumingala na rin ako sa langit. May kung ano na babagsak rito.

Ang daming kulay.

Papunta na sa akin.

They Were DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon