TWD 20

45 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]

"Nynssa!"


Boses ba 'yon ni Sarah?


"Halika na."

Hinila na lang ako gamit ang aking kaliwang kamay saka kami tumakbo pababa ng hagdanan. Sakto naman na may narinig kami pagsabog mula sa labas ng mansyon na 'to.

"M-may kalaban?" tanong ko sa kanya.

"Mayroon."

Nang makalabas kami ng mansyon, lahat sila nakaharap sa gubat. Palingon-lingon silang lahat sa paligid.

Nasaan ba si Nynssa?


"Ilabas mo si Nynssa!" sigaw na lang ni Sarah.


"Manahimik ka!"


Parang narinig ko na ang boses na 'yon, kaso hindi ko maaala kung kailan o saan ko siya narinig. 


Agad akong lumingon na makita ko ang isang puno na papalapit sa kinatatayuan namin ng reyna. Itinaas ko agad ang kanan kamay ko para lang mapigilan ang puno na 'to. Pagkatapos, itinapon ko ito sa malayo.


Bakit hindi ko makita ang kalaban namin?


"Ihanda mo lang ang sarili mo, Dorothea." 

Hayan na naman ang reyna. Panigurado, habang-buhay niya papakinggan ang nilalaman ng utak ko.

"Ihanda mo lang ang sarili mo, bata. Hindi natin siya nakikita."


Nang sabihin 'yon ni Arose, bigla na lang humampas ang hangin dito. Muntikan pa ako liparin, kainis. Sumasabay pa ang mga dahon pati ang alikabok kaya, naipikit ko ang mga mata ko.


Bakit naman dumarating ang mga kalaban na 'to? Kainis, hindi ko pa inaalam ang kakayanan ng Element nila.


Agad naman tumigil ang hangin. Pero nang tinignan ko ang langit, may babagsak na bato sa akin. Umiwas naman ako ng bumagsak na.


Pero...


Isang katawan ng babae na nakadapa ang nakita namin. 


"Sino 'yan?" napatingin na lang ako kay Sagi habang tinutok niya ang kanyang pana sa katawan na 'to. Isa-isa na sila pumunta rito.

Gamit ang kapangyarihan ko, ako na ang nag-ayos sa katawan na 'to.

Kaso...


"Nynssa?"


Hindi naman tumugon ang katawan na 'to nang banggitin 'yon ni Sarah. Hindi rin ako sigurado kung si Nynssa nga ba 'to kaya naman ako na ang nagharap sa katawan niya.


Nakita ko pa na gumalaw ang kaliwang kamay niya. Hindi ko pa rin siya mamukhaan dahil nakaharang ang buhok niya. Ako na ang lumapit nang dahan-dahan sa kanya.

They Were DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon