TWD 4

57 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


Sa totoo lang, gustong-gusto ko na malaman kung ano'ng meron sa mga Zodiac Protectors. Bukambibig lagi ni Ariusa 'yan simula nang may napaginipan siya. Simula no'n, palagi ko na naiisip tungkol diyan.


"Dorothea!"

Hayan na siya.

"Sasama ka ba sa akin?"

Tumingin ako sa ibaba ng tree house ko, hayun kasi siya, nakatingala. "Ano'ng gagawin mo?"

"Pupunta tayo sa palasyo ni Rustan."

"Naku, baka naman papatayin tayo ng mga tauhan niya."

Umiling siya. "Ligtas tayong pumunta roon."


Sige, may tiwala naman ako sa kanya.


Bumaba na ako sa tree house na 'to. Sa totoo lang, ang mga magulang ko ang gumawa nito. Hindi ko alam kung paano nila makabuo ng isang tree house. E, hindi naman sila magaling humawak na materyales para sa pagpapagawa ng bahay.


"Ano'ng gagawin natin sa palasyo niya?"

"Makikipagtitigan ako sa kanya."

Nahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakangiti pala ang babae na 'to.

"Kung gusto mong makipagtitigan sa kanya, hindi muna kita sasamahan, ha?"

Paalis na sana ako nang makaramdam ako ng malamig na hangin. 'Yong bang, manginginig ka dahil sa sobrang lamig ng hangin na ginawa niya.

Oo, gawa ni Ariusa 'yon. Alam niyang mapapahinto ako dahil sa ginawa niya.

"Huwag mo naman ako iwanan!"

Lumingon ako sa kanya. "Bakit nga kita sasamahan?"

"Sasabihin sa atin ni kuya Rustan tungkol sa Zodiac Protectors."


Kailangan ko nga sumama sa kanya.


* * *

"Mabuti naman dumating kayo ngayon. Umalis ang mga magulang ko, hindi ko alam kung saan sila pupunta."

Hayan ang nasabi niya sa amin habang may hinahanap siya sa mga lagayan ng mga libro na 'to.

Nang makarating kami sa palasyo niya, naghihintay siya sa labas. Bigla na lang niya hinila si Ariusa at dito kami dinala. Sa silid-aklatan niya.

"Ano ba ang hinahanap mo?" tanong ni Ariusa.

"Libro, mahal na prinsesa."

"Hindi ba halata, Ariusa?" Napangiti na lang siya sa tanong ko.

"Malay mo, iba pala ang hinahanap niya."

"Nahanap ko na."


Napatingin kami sa kanya, may bitbit siya na mga libro. Pinakita niya iyon sa amin. Hindi ko maintindihan ang sulat na nakikita ko ngayon sa libro na 'to. At, ang kakapal pa. Apat na libro ang nasa harapan namin ngayon.


"Heto ang mga impormasyon na nakolekta ng mga tauhan namin tungkol sa mga naging parte ng Zodiac Protectors?"

They Were DestinedWhere stories live. Discover now