TWD 12

34 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


"Ano bang gusto mong mangyari? Ha? Umalis na lang dito?"

"Oo. Dahil naghihintay na ang mga tao sa bayan ko."

"Hindi ka pa reyna, Gem. Tumigil ka sa pagpapanggap na parang ikaw ang namumuno sa bayan niyo."

"Wala kang pake kung ano ang gusto kong gawin sa bayan ko, mahal na reyna."

"May reyna pa tayong kasama kaya umayos ka."

"O? Tapos? Magiging parte ba siya ng Zodiac Protectors?"

"Oo."

"E, nandito na ang kambal. Hindi na natin siya kailangan."

"E, bakit tinawag siya kung hindi naman natin siya kailangan."

"Huwag kayo mag-alala, aalis din ako sa palasyo na 'to. Kailangan ko lang magpaalam sa batang 'yon."

"Hindi na siya bata, mahal na reyna. Siya ang pinakamatanda sa ating lahat."


Dahil sa ingay nila, napabangon ako sa kama. Walang araw na bumungad sa akin, hindi naman nakaharang ang kurtina sa bintana na 'to. Bakit wala na naman araw?


Teka, ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kanila. Sana pala gumising ako nang maaga para naman makapaghanda ako. Nakakahiya, Dorothea.


Huminga muna ako nang malalim bago ko hawakan ang bukasan ng pinto. Dapat ko bang harapin ang mga 'to? Aba, siyempre. Ako naman ang mahihirapan kapag hindi ko sila hinarap.


Kaya mo 'yan, Dorothea.


"Maganda umaga, Dorothea." Bati ni Ariusa sa akin nang makababa ako ng hagdanan. Tinignan ko silang lahat, hindi ko mabasa ang mga mukha nila. Galit ba ang mga 'to?

"Ayos ka lang?" napatingin ako kay Ariusa.

Ano ba dapat ang isasagot ko sa tanong niya?

"A-ano kasi..."

"Masyado ka pang bata para maging alalay namin."


Hayan na nga ba ang sinasabi ko, e.


"Mas matanda siya sa ating lahat," sabi ni Ariusa habang nakahawak siya sa kaliwang braso ko. Maraming salamat sa kanya, nakaramdam ako ng lamig galing sa kamay niya.

"Kaibigan mo ba siya?" tanong ng isang lalaki. Hala, hindi ko pa kilala ang mga 'to.

"Oo, kaibigan siya ni Ariusa." Napatingin ako kay prinsesa Sagi nang sagutin niya 'yon, nakangiti siya sa akin.

"May alam ka na kung paano namin kokontrolin ang Element na 'to?" tanong ng babae habang nakalahad ang kamay niya, may maliit na liwanag na nakalutang. 


Pwede ba niyang ilabas basta-basta ang Element? Wala talaga akong kaalam-alam tungkol diyan. Kainis.


"W-wala. Pero-"

"Hayun naman pala," sabi niya tapos tumayo at naglakad papunta sa pinto, "ayoko mag-aksaya ng oras sa lumang palasyo na 'to. Lalo na kung isang bata ang mag-aalalay sa amin."

They Were DestinedWhere stories live. Discover now