TWD 25

24 1 0
                                    


[GEM'S POV]


Hinintay muna namin makapag-pahinga nang maayos si Sagi bago kami tumuloy sa pinagtataguan ng kalaban namin.


Ngunit, ang dami kong gustong itanong kay Pis. Pero, mas pinili ko muna na manahimik. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.


"Gusto mo ba dumaan muna tayo sa bayan niyo, Gem?"


Lumingon naman ako sa kanya. "Paki-usap, huwag na huwag mong babasahin ang iniisip ko, Pis."

"Huwag ka mag-alala, dadaan tayo sa bayan niyo dahil doon natin mararating ang kweba ng kalaban."

Hindi ko na lang siya sinagot, baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Tinignan mo siya nang makalapit siya kay Sagi.


Bakit lumalaki ang dibdib niya? Napapansin ko na puro malalaking bestida na ang kanyang sinusuot mula nang matulog kami sa palasyo ni Arose. Mas gusto niyang matulog at—


"Bakit hindi ko nakikita si Sarah?" tanong na lang ni Vir na naka-upo sa tabi ng bintana.

"Pinauwi ko muna siya sa bayan namin."

Napatingin ako kay Prico, "bayan niyo?"

Huminto siya sa pagkagat ng mansanas. "Oo. Hindi niyo ba alam?"

"May dapat ba kaming malaman?" tanong ni Vir.

"Kababata ko 'yon. Hindi ko nga alam kung naalala pa niya ako." Ngumiti siya sa amin saka siya lumabas ng silid.


Iba ang ngiti niya, parang may gusto pa siyang sabihin bukod sa kababata lang niya si Sarah.


"Mabuti na rin na hindi sumama sa atin si Sarah."

Lumingon ako kay Vir, "baka mapahamak siya katulad na nangyari kay Nynssa."

"Hanggang ngayon ba, hindi mo gugupitin 'yan buhok mo?"


Pagkatapos kong itanong 'yon, hinawi niya at ibinagsak ang kanyang buhok sa kaliwang balikat niya. Kasing kulay ng tanso ang kanyang buhok na may kaunting kulot sa dulo.


Ngumisi siya sa akin, "bakit ba masyado ka nag-aalala sa buhok ko? Bakit hindi mo alalahanin ang buhok mo?"

"Huwag mo na alamin."

Lumabas na ako ng silid pero, bumungad naman sa akin si Dorothea. Pambata ang tangkad niya, hanggang balikat ko lang siya.

"Pinapatawag na kayo ni Pis."

Pero, kung makapagsalita siya sa amin, akala mo isa siyang reyna sa bayan nila.

"Tara na."

Napatalon na lang ako sa gulat nang naramdaman ko ang paghawak ni Vir sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya, ngayon, hanggang balikat niya ako.

"Hindi pinaghihintay ang reyna, mahal na prinsesa." Pagkatapos, tinulak niya lang ako para lang makapaglakad.


Bakit umiba ang pagtibok ng puso ko ngayon?


* * * 

They Were DestinedWhere stories live. Discover now