TWD 28

24 1 1
                                    


[CERCAN'S POV]


Hindi ko na makita ang daan na sinusundan namin ngayon dahil sa lakas ng ulan. Oo, basang-basa na kaming lahat.


"Pwede ba tayong sumilong muna?" tanong ni Vir.

Hinintay ko muna kung sino ang sasagot sa amin.

"Tara." Ako na lang ang sumagot. Tumingin ako kay Pis... pati ang tyan niya.


Malakas pa naman siya magmula nang umalis kami sa lumang bahay na 'yon. Baka nga mali ako na nagdadalang-tao siya.


"Dito. Magpatila muna tayo ng ulan," sabi na lang ni Vir. Tinuro niya ang isang kweba kaya nauna niyang pinuntahan iyon.

"Magpatila muna tayo, kahit saglit lang."

Nauna pumasok si Arose na may apoy sa kanyang mga kamay. Mukhang tinitignan niya ang loob ng kweba. Itinaas niya ang kanyang kanan kamay at tinuturo ang loob, mukhang ligtas naman kami.

"Hindi ko na nakita ang tubig na kulay berde mula nang bumagsak pa ang ulan," sabi ni Lia habang nakatapat ang kanyang mga kamay sa apoy na binuo ni Arose. Gano'n din ang ginawa ng iba sa amin pwera lang sa akin dahil abala pa ako sa pagpiga ng aking buhok.

"Patibong ata 'to sa atin, e."

Tumingin ako kay Niel nang sabihin niya 'yon. "Ano'ng patibong? Hindi ba pwedeng umuulan lang talaga?"

"May posibilidad nga na patibong ito para sa kalaban." Tinignan ko si Pis, naka-akap na sa sarili niyang tuhod. Parang, giniginaw na siya.

"Ah, panigurado natutuwa ang mga 'yon dahil hindi natin siya mahahanap," sabi ko.

"Pero, alam pa rin ni Niel kung nasaan sila, tama ba?"

Nang tanungin niya iyon, agad naman tumayo si Niel at lumabas ng kweba. Agad din naman siya pumasok at tumingin sa akin.

"Dadaan pala tayo sa bayan mo."

"Ah. Oo."

Tumango naman siya. "Amoy ko na kasi mula rito ang dagat kahit umuulan na."


Ang bayan ko lang ang pinagpalang lugar dahil katabi na namin ang dagat. Kaya lang, madali lang din kami sakupin ng ibang dayuhan dahil kami agad ang unang nakikita.


"Kailangan na natin puntahan ang bayan ni Cercan."


Nakita ko na lang si Pis, nakatayo at nakatingin sa mga kasama namin na nagpapainit pa rin.


"Bakit? May masama bang mangyayari?" tanong ni Sagi. Na dapat ako ang magtatanong niyan.

"Doon na nagtatago si Zakkas. Alam kong gagamitin niya ang mga tao ni Cercan para patayin siya kapag nakarating tayo roon."

Matapos niyang sabihin 'yon, lahat sila napatayo agad. Pinatay na rin agad ni Ariusa ang apoy.

"Malakas pa ang ulan, Pis. Baka magkasakit naman tayo nito," sabi ni Sagi.

"Iba na ang pakiramdam ko ngayon, Sagi. Kailangan na natin puntahan ang bayan nila," aniya saka ako tinuro.


Gusto ko rin naman pumunta pero, may punto naman ang sinabi ni Sagi. Nakarating nga kami pero mahina naman kami dahil sa lagnat.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now