TWD 24

21 1 0
                                    


[RUSTAN'S POV]

"Nasaan ang halimaw?!"

"Nasaan?!"

"Nasaan?!"


Nalingon na lang ako sa likod kung saan, nandoon ang mga tauhan, siguro, ni Arose bitbit pa nila ang mga baril.


"Mahal na prinsipe, nasaan ang mga kalaban?" tanong ng isa sa kanilang mga kasama. Base sa suot niya ngayon, mukhang siya ang namumuno.

"Hindi namin kayo kailangan," napatingin ako kay Arose na nasa tabi ko, "kailangan kayo ng mga tao ngayon."


Sakto naman na nagkakagulo na ang mga tao sa patulog na pagsabog na naririnig namin. Hindi na kami nagugulat dahil alam namin na hinahanap kami.


"P-pero—"

"Sige na, umalis na kayo."

Umiling lang ang pinuno kay Arose, "hindi po kami maaaring umalis dito. Dahil kasama sa iyon sa sinumpaan namin na—"


Nahinto na lang sa pagsasalita ang lalaki na 'to dahil... bakit nga ba?


Ah, ang apoy ni Arose na nagbabaga sa mga kamay niya ngayon. Wala na nagsalita sa kanila kaya naman, umalis na sila.


"Kailangan pa talaga takutin para lang sumunod sila?" tanong niya saka niya binaba ang kamay kasabay ang pagwala ng apoy.

"Gusto lang naman nila tumulong."

Nakita ko na tumingin siya sa akin. "Mas kailangan sila ng mga tao ngayon kaysa sa halimaw na 'yon."


Sinundan ko naman ang itinuro niya. Bukod sa nasusunog ang mga puno sa harap ng bayan na 'to, isang anino ang nakikita ko. Pero, dahil sa kapal ng usok na nakapalibot doon, hindi ko alam kung ano ang


Ano 'yon?


"May paparating." Nang sabihin 'yon ni Niel, agad naman kami naghanda. 


Pero, nasaan na 'yon tatlo namin kasama?


"Kabayo ba 'yan?" napatingin ako kay Cercan sa tanong niya. Tinignan ko naman nang mabuti. 

"Tao. Lalaki." Hayan ang nakikita ko ngayon.

"Hindi, Rustan. Kabayo, may buntot ng kabayo."

Unting-unti na namin siya nakikita rito. Tama naman ako na isang lalaki ang nakikita namin. Pero, tama rin si Cercan na may buntot ng kabayo sa likod niya.


Kalahating tao, kalahating kabayo.


Huminto siya sa paglalakad saka siya ngumiti sa amin. Hindi pa siya nakakatapak sa pinto ng bayan na 'to.


"Kayo na ba ang mga Zodiac Protectors?" tanong niya habang isa-isa kami tinitignan, "mukhang kulang kayo ngayon, ha?"

"Wala kang pake kung kulang kami o hindi. Huwag na huwag ka tatapak sa bayan ko," sabi ni Arose.

"Aba," lumingon siya kay Arose, "ikaw ang prinsipe ng bayan ng Hamal? Ikinagagalak kitang makilala, mahal na prinsipe."

They Were DestinedWhere stories live. Discover now