TWD 47

20 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


Kanina ko pa pinapanood si Arose na palakad-lakad sa labas ng aking sala o sa ibang lenguahe, living area. Salamat talaga kay Ariusa, kung anu-ano na ang nalalaman ko.


"Pwede bang umupo ka," sabi ko. Pero, hindi naman niya ako sinunod.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Hindi pa bumubungad ang araw sa aking silid, sumugod ka na lang basta-basta rito."

Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. "Mas ligtas ako rito kaysa sa palasyo ni Pis at sa palasyo namin."

"At bakit?"

"Ayoko ng may nagbabasa ng iniisip ko," aniya saka na tinuloy ang paglalakad habang nakapatong ang kanyang mga kamay sa ulo.

Kaagad naman ako nagtaka sa sinabi niya. Minsan talaga, hindi ko rin maintindihan ang takbo ng utak niya.

"May dapat ba akong gawin para magawa ko 'yon pinapagawa niya?"


O 'di ba, nababaliw na.


"Unang-una, hindi ko alam ang iniisip mo. Pangalawa," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "kung may pinapagawa man sa'yo ang reyna ng Kullat Nunu, naniniwala ako na kailangan mong gawin iyon dahil alam niyang para sa ikabubuti nating lahat iyon."


Hindi na niya nagawa na sagutin ako. Hala, pati ata ako nahawa na sa pagiging baliw niya. Bakit ko ba kasi pinagsasabi ang mga 'yon?


"Sana nga gano'n lang kadaling gawin iyon, Dorothea."

Kumuha siya ng upuan na malapit sa pinto at umupo sa tabi ko. "Magmula nang makita ni Pis ang kakaibang kweba na iyon, mas lalo raw lumalakas ang boses ng mga bata na naririnig niya sa panaginip. Kinausap ko ang iba natin mga kasama, ganoon din ang sagot."

"Hindi ko na rin alam ang gagawin sa inyo para lang matigil 'yan mga naririnig ninyo."

Hindi na rin siya nakasagot. Ayos lang, baka nag-iisip na rin 'to ng paraan. Huwag na niya bigyan ng sakit sa ulo ang reyna.


"Minsan nga, samahan mo ko sa—hoy!"


Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil nakaramdam na kami ng malakas na paglindol pero hindi naman iyon nagtagal. Kasunod no'n, naririnig na namin ang hiyawan ng mga tao.


"Argh! Ano ba naman 'to! Ayoko pa naman magpakita sa kanila!" sigaw ko.

"Pasensya na pero, kailangan namin kumilos."

Matamlay kong tinignan si Arose, nakangiti siya sa akin saka lumabas ng akin bahay. 


Bahala na kung ano ang sasabihin nila kung makita man nila ako, kung mamamatay man ako ngayon araw, wala na ako magagawa roon.


 ~  ~ ~

Bubuyog?


Hayan ang nakikita ko sa himpapawid habang hinahabol ko si Arose palabas ng gubat na 'to. May kung ano ang lumalabas mula sa kanilang mata na nagdudulot ng sunog.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now