TWD 23

34 1 0
                                    

[SAGI'S POV]

"Humihingi talaga ako ng paumanhin sa inyong lahat."

Hayan ang sinabi ng mama ni Arose sa amin habang hinahaing ang mga pagkain.


"Patawad kung biglaan ang pagdating namin dito, mahal na reyna."

Ngumiti na lang ang reyna sa amin nang sabihin iyon ni Prico, "wala iyon. Mabuti nga, nagkaroon kami ng bisita rito. Para naman hindi na 'to palibutan ng apoy."

"Marami ang gustong gumaya sa napakagandang palasyo natin. Sana alam mo 'yon, minamahal kong ina."


Ganyan ba talaga sumagot 'tong si Arose sa mama niya?


"Kung wala ka lang kapangyarihan, matagal na kitang pinatay," aniya nang maka-upo na siya sa hapag-kainan katabi ni Arose na nasa tapat ko ngayon.

"Bakit ba palagi kayo nagkakasundo ni Papa kapag nagsasalita ako?" tanong pa niya.

"Dahil hindi namin alam kung kanino ka nagmana, Arose. O, baka epekto 'yan ng kapangyarihan mo kaya ganyan ang ugali mo." Nakita ko na lang na nakataas ang kaliwang kilay ni Arose habang ang mahal na reyna, payapa lang kumuha ng tinapay.

"O, nasaan si Raina?" tanong pa niya.

"Sino'ng Raina?" tanong ni Rustan.

"Alalay ni Arose."


Bakit babae ang alalay ni Arose?


"Paumanhin pero," nahinto ako sa pagkuha ng tasa nang marinig ko si Pis, "kami-kami lang ang mag-uusap ngayon."

Kausap ba niya ang mahal na reyna? Ay, reyna na pala si Pis. Ganyan ba talaga makipag-usap ang mga reyna sa isa't-isa?

"Oo naman, mahal na reyna." Tumayo naman ang mama ni Arose saka kami ningitian, "kung may kailangan man kayo, tawagin niyo ako."

"Masusunod po, mahal na reyna." Si Pis ang sumagot sa kanya saka siya nagbigay nang galang. Gano'n din ang ginawa ng mama ni Arose saka na siya lumabas.

"Galit ba siya sa atin?" napatingin ako kay Dorothea, katabi ko pala siya.

"Hindi ko rin alam," mahina kong tugon sa kanya.

"Ganyan lang siya kapag may reyna na nakapasok dito," napatingin ako kay Arose, "nagiging tahimik siya. Madaldal pala 'yon."

Tumango na lang ako sa kanya.

"Bakit nga ba kami nandito ngayon, Pis?" nagtanong na si Rustan.

"Magpapahinga muna tayo rito," aniya, "hindi pa tayo ligtas sa lugar na 'yon."

"Pero, bakit dito?" tanong ko.

"May kailangan akong kausapin para sabihin kung saan nagtatago ang kalaban natin."


Pis?


"Tayo ang susugod sa kanya?"

Tumango si Pis kay Soliva, "gusto nila ubusin ang mga tao na may kinalaman sa buhay natin. Kaya naman—"

"Manahimik ka, Pis."

Ano'ng problema ni Gem?

"Bakit ikaw ang gumagawa ng plano? Hindi ba dapat ang aalalay sa atin ang gumagawa ng plano?" tanong niya saka siya tumingin sa pwesto ko dahil katabi ko si Dorothea.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now