TWD 17

29 1 0
                                    


[LIA'S POV]


Bakit ba sila nagkakagulo ngayon?

Hindi bale, masaya naman ako na kasama ko Brali sa pagkuha ng Element.

Akala ko, hindi siya makakakuha. Tuwang-tuwa kami nang makita namin sa mga palad ang liwanag ng Element.


"Tingin mo, ano'ng klaseng Protector ang binigay sa akin?"

Tumingin ako kay Brali ngayon na nakahiga sa kama ko, "hindi ko alam."

"Kung hindi mo alam, baka isipin nila na kalaban niyo ko."

"Hindi naman sumagi sa isip ko 'yon, Brali."

"Sa'yo, pwede pa. Paano pa ang mga tao na 'yon sa lumang bahay na napuntahan natin?"


Hindi ko na alam ang isasagot ko sa tanong niya. Bakit ba kasi kami umalis sa lumang bahay na 'yon?

Ang masaklap pa, nakita kami ng aming Mama kaya kami nandito ngayon. Tinanong niya kung saan kami nagpunta, mabuti na lang, si ate Pis ang sumagot sa kanya.


"Bakit ba sila nagkakagulo ngayon?" tanong ni Brali nang bumangon siya.

"Hindi ko alam. Ayoko na rin alamin." Pumunta naman ako sa kama at humiga.


Kailan kaya kami makakalaya mula rito?


"Lia!"

Bumangon naman agad ako nang marinig ko ang sigaw ng aking Mama mula sa labas ng kuwarto.

"Lia!"

"Ano'ng problema niya?" tanong ni Brali.

Tumayo na ako at pumunta na sa pinto. Bumungad sa akin ang aming Mama, ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.

"Kailangan mo na paghandaan ang mangyayari."

"Ano'ng mangyayari, Mama?"

"Kung ayaw niyo makuha ang Element."

"Element?"

Hindi niya ako sinagot. Ngumisi lang siya sa akin habang dahan-dahan niyang inangat ang dalawa niyang kamay.

"Ano'ng problema, Mama?"

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong sagutin.

"Lumayo ka, Lia!"

Nang isigaw iyon ni Brali, kusa na lang sumara ang pinto. Naramdaman ko na lang na wala akong maapakan, hayun pala, nakaluntang na ako.

Alam kong si Brali ang may gawa no'n kaya lumingon ako sa kanya, "ano'ng ginagawa mo?"

"Sinaniban na silang lahat."

"Ha?"


Gamit ang hangin, pinapunta ako ni Brali sa bintana. Nakita ko na may mga tao na dahan-dahan naglalakad ngayon papunta sa palasyo namin. At bakit, berde ang kulay ng kanilang balat ngayon?


Kilala ko ang mga 'to, sila ang mga tao na nakakasalamuha namin sa pamilihan. Kahit ang mga bata, iba na rin sila. 


Ibig sabihin ba nito, lahat ng tao sa bayan na 'to, ganyan na ang kinikilos? Sino ang gumawa nito?

They Were DestinedWhere stories live. Discover now