TWD 48

15 1 1
                                    


[PIS' POV]


"Hindi na siya babalik, tama ba ako?"


Kakatapos lang namin sunugin ang katawan ni Diemon. Kasunod ang unting-unti pagbasak ng mga bubuyog dahil namatay na ang kanilang amo.


Lahat sila, tuwang-tuwa dahil sa nangyari. Ang mga tao rito, naghihiyawan dahil, sa wakas, sa ilang araw na pagtitiis at takot na naramdaman nila, mawawala na.


Pero, hindi ako komportable.


Gusto kong kausapin ang anak ko para kumustahin pero, hindi ko siya marinig sa akin sinapupunan.


Nasaan siya? Alam kong hindi ko pa siya nilalabas sa mundong ito. Hindi ko siya naririnig!


Nasaan ang anak ko?!


"Pis."


Tumingin ako kay Arose, puro sugat na ang kanyang mukha ngunit mas nangingibabaw ang kasiyahan sa kanyang mga mata.


"Babalikan natin ang anak mo na nasa kabilang mundo. Ganoon ang gagawin nina Sarah at Prico."


Hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa nang sabihin niya iyon. Parang, may gusto akong sabihin sa kanya.


"Hi-hindi pa tapos ang laban natin, Arose."


Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon.


Agad naman kumunot ang noo niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"


Nasa likod niya ang kasunod na mangyayari, hindi ko alam kung gusto niya rin ba makita ito o hindi.


Hindi ko na nakikita ang mga tao pero nandito kami sa bayan ng Diphda. Unang katawan na nakita ko sa lupa ay ang katawan ni Dorothea. Lalapitan ko na sana nang kinuha ni Prico ang katawan niya at dinala rito.

Wala ako marinig sa sinasabi niya dahil mas nangingibabaw ang pagsusunog ng mga puno at bahay sa paligid namin. May mga naririnig pa ako na hiyawan ng mga tao, umiiyak at humihingi ng tulong.

Tuloy pa rin ang pakikipag-laban sa mga tauhan ni Diemon ang mga kasama namin. Sa dami na nakikita ko, hindi ko nakikita si Diemon.


Pero may naainag ako na tatlong anino mula sa dulo.


Sino ang mga 'yon?



"Pagpasensyahan mo na kung madalas na ang pagpunta namin sa iyong palasyo," sabi ni Dorothea.

"Naiintindihan ko naman iyon lalo na kung mas madalas na ang pagsugod ng ibang tauhan ni—"

"Ang bata na nasa sinapupunan mo ang inaalala namin, hindi si Diemon dahil hindi pa naman siya nagpapakita," tumingala ako kay Arose matapos niyang putulin ang aking sasabihin.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now