TWD 26

27 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


Unting-unti ko na nalalaman ang bawat buuhay ng mga Protectors. Hindi ko aakalain na pagmahal na anak si Gem lalung-lalo na sa kanyang ina.


Kaya hanggang ngayon, imbis na matulog ako, iniisip kung nasaan ba ang mga magulang ko.


O baka totoo ang sinabi ng mga 'yon?


Pero, paano? Kailan pa sila namatay?


"Dorothea?"


Bumangon naman ako sa kama nang marinig ko ang boses ni Prico. Inayos ko muna ang aking sarili bago buksan ang pinto.

"Kumusta? Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong niya habang nakangiti siya.

"Hindi naman ako nakatulog, e."

"Pero, alam mo kung ano ang mangyayari mamaya, hindi ba?"

Tumango ako. "Siyempre, handa naman ako sa mangyayari."

"Mabuti naman. Hinihintay na tayo."


Tahimik akong lumabas ng kwarto at sinundan siya. Napunta na lang kami sa bodega, malapit sa kusina nila.


"Paano tayo makakapasok dito?" tanong ni Rustan habang kinakapa ang malinis na pader na, nasa harapan namin.

"Si Prico lang ang makaka-alis ng harang na 'yan."

Nang sabihin iyon ni Pis, tumingin naman ako kay Prico. Nakangisi na pala siya sa akin.

"A-ayos ka lang?"

Tumango naman siya. Ano bang problema nito?

"Nandito na kami."

Lumingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Arose. Kasama niya pala sina Gem at Sagi.

"Nandito naman ang lahat, oras na para pasukin natin ang mga kalaban," sabi ni Pis.

"Paano kung wala naman sila sa loob?" tanong ko sa kanya.

Napansin kong pumunta na sa pader si Prico. Nilagay na niya ang kanyang mga kamay sa pader, unting-unti ito nababasa hanggang sa dahan-dahan ito nagiging tubig.

"Nandiyan sila sa loob, Dorothea." Tumingin ako kay Pis nang magsalita siya. Nakatingin lang siya sa ginagawa ni Prico ngayon.



Narinig ko ang usapan nila. Kalaban namin ang asawa ni Pis. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Sa ngayon, naawawa lang ako sa kanya.


Tuluyan na natunaw ang pader na ito. Mula sa akin likod, may liwanag ng apoy ang nakita ko. Galing pala iyon kay prinsesa Sagi.


"Paano natin malalaman kung nasa tamang daan ba tayo?" tanong ng prinsesa.

"Ako ang bahala."

Isang babae ang nauna sa amin maglakad. Sa pagkaka-alam ko, siya si Raina. At sa pagkaka-alam ko rin, siya ang mapapangasawa ni Arose...


Matutuloy kaya 'yon?


"Sigurado ka ba sa daan na sinasabi mo?" tanong naman ni Rustan.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now