TWD 33

17 1 0
                                    


[LIA'S POV]


"Lia, huwag na huwag mong ibababa ang iyong mga kamay!"


Kanina pa inuutos 'yan sa'kin ni Brali. Mukhang alam ko na kung bakit.


Naging tao na ang ahas na kanina pa namin binabantayan habang hinaharap ni Arose at ng iba naming kasama ang asawa ni ate Pis.


Naramdaman ko na lang ang pagdikit ng katawan ni Brali sa akin likod. Alam kong nahihirapan na siya, kanina pa namin ginagawa ito dahil unting-unti na kami sinusugod ng mga alagad ni Diemon.


Nakakapagtataka, hindi pinapasabi ni ate Pis ang mga mangyayari kay Arose.


"Ano'ng nararamdaman mo?"

Nalingon na lang ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Prico.

"Ma-maayos naman ako," nanghihinang sabi ng aking kakambal. Hangga't hindi namin naibababa ang aming kamay, hinding-hindi mawawala ang harang na binuo namin para hindi mapahamak si Pis.

Nakita ko na lang na hinawakan ni Prico ang likod ni Brali sa bandang balakang niya. Diyan lagi sumasakit ang likod niya.


Bzzzz...


Tumingala ako sa kalangitan, unting-unti na dumidilim dito. At dumadami pa ang mga malalaking bubuyog na lumilipad ngayon. 

Sana hindi mapahamak ang bayang ito at pati na rin sa ibang bayan.

Kaso...


"Aaahh!"

"Tulungan niyo po kami!"

"Aaahh!"


Tinignan ko ang buong paligid nang hindi binababa ang aking mga kamay. Alam kong hindi lang ako ang nakakarinig mga tulong nila, lalung-lalo na't nandito pa rin kami sa bayan ni Vir.


Sa pagkakatanda ko, kinulong ng mga kasama ko ang bayan namin ni Brali dahil sa kakaibang sakit na dala-dala nila. Ano na kaya ang nangyayari sa bayan namin?


"Heto na nga ba ang iniisip namin ni Dorothea kanina, e."

Humarap ako kay Prico pero nakataas pa rin ang aking mga kamay. "Ano'ng iniisip niyo?"

Lumingon siya pero nakadikit pa rin ang kanyang mga kamay sa balakang ni Brali. "Sabay-sabay nila tayo papatayin, idadamay pa niya ang mga inosenteng tao na, kailangan natin protektahan ngayon."


Paano ba namin sila poprotektahan kung sinusugod kami mismo ng kanilang pinuno?


Tinignan ko ang iba naming kasama. Hindi sila hinihinto ng taong-ahas na ito. Nagmukha siyang taong-ahas dahil sa balat niya na katulad ng ahas. Nilalabas din ang dila niya at ang kanyang hugis ng mukha ay kamukha ng ahas. 


Nanatili pa rin nakaluhod si Niel, marahil ay pinapatay pa rin niya ang mga ahas na kung saan,  tinatapakan namin ngayon. Habang si Arose, tuloy pa rin siya sa pagpatay sa asawa ni ate Pis.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now