TWD 15

33 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


"Magiging maayos naman siya, mauuna nga lang gagaling ang tatlo."


Nilagay na ni Prico ang bimpo sa noo ni Gem at lumingon sa akin. "Kailangan mo silang hanapin bago pa maulit ang nangyari sa mga 'to."

"Mabuti na lang, may bakbakan na nangyari sa bayan namin kaya siguro, gumana ang kapangyarihan ko, gamit ang Element," napatingin ako kay Vir nang sabihin niya 'yon.

Nakita ko na tumingin si Prico sa kanya. "At mabuti naman, naisipan mong dumaan dito, Vir."

Tumawa na lang siya habang naka-upo ngayon sa dulo ng kama ni Gem. "Dinala ako ng aking mga paa rito. Panigurado, ganoon din si Rustan."

"Mukhang ganoon na nga. Narinig din niya 'yon halimaw papunta rito kaya dumating siya." Tumango-tango na lang si Vir.


Matagal na ba nila kilala ang isa't-isa?


"Hindi mo pa sila hahanapin?"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Sarah. "Baka kung ano na ang mangyari sa kanila kapag hindi mo sila dinala rito."

"Tara?"

Lumingon ako kay Vir, nakatayo na pala. "Ako muna ang sasama sa kanya."

"Lumakad na kayo, maabutan kayo ng dilim sa daan," sabi pa ni Prico.


Ano pa ba ang magagawa ko? Ako ang aalalay sa kanila, e.


"Ingat ka rin, Vir. Baka pagkaguluhan ka na naman ng mga babae sa bayan na dadaanan niyo."

Tumawa si Vir habang tinatali ang kanyang buhok. "Hindi ko na sila mapipigilan kung lalapit silang lahat sa akin."

"Huwag ka mag-alala, kasama mo naman si Dorothea. Siya ang bahala sa'yo," tumingin pa si Prico sa akin, "'di ba?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo, baliw!"

"Tara na."

Nakita ko na tumayo si Vir at lumabas na ng kwarto. Siyempre, sumunod naman ako sa kanya.


Hindi ko inaasahan na babalik siya rito sa mansyon na 'to. Dapat naman siya bumalik, kaso, mag-isa lang siya na pumunta rito. Mabuti na lang, siya ang naka-isip na sunduin ang mga Protectors sa bawat bayan. Nagkataon pa na, may halimaw na dumating sa bayan ni Gem.


Habang naglalakad kami sa gubat, napatingin ako sa buhok niya. Bakit ba ayaw niya ipagupit 'yan? Makapal pa ang kanyang buhok at lagpas na sa kanyang balikat ang haba. 


"Huwag mo na tignan 'tong buhok ko, Dorothea."

"Aba, hindi ako nakatingin sa buhok mo." Siyempre, kailangan ko rin magsinungaling.

"Sa liit mong 'yan, hindi ka titingin sa buhok ko ngayon?"

"Pakialam ko ba sa buhok mo."

"E, 'di tinitignan mo nga ang buhok ko."

"Bakit ba ang kulit mo?"

Narinig ko na lang ang malakas niyang tawa pero, nakatingin pa rin siya sa dinadaanan namin. "Hindi ako makulit, Dorothea."

They Were DestinedWhere stories live. Discover now