CHAPTER 46

24.9K 258 81
                                    

CHAPTER 46

Paul’s POV

“Nasaan na si Aaliyah?!” galit na tanong sa akin ni Miggy nang makabalik siya sa loob ng bahay nila Mhina galing sa labas upang hanapin si Aaliyah.

“Hindi ko alam.”

“Wala na siya sa labas! Gabi na at malayo pa ang uuwian niya, alam mo ba ‘yon?!” Galit na galit na lumapit siya sa akin at tumigil sa harap ko. “Bakit mo siya hinayaang umalis?!” Akma sanang susuntukin na niya ako ngunit agad din siyang nahawakan nina Renzo at Arkin.

“Tama na ‘yan, Miggy!” sigaw ni Demi sa kanya. “Walang mangyayari kung paiiralin mo ‘yang init ng ulo mo!”

“Kapag may nangyaring masama kay Aaliyah, hindi lang mukha mo ang masisira. Tandaan mo ‘yan, Paul,” mariing pagbabanta sa akin ni Miggy.

Padabog siyang umalis mula sa bahay nila Mhina at agad din naman siyang sinundan ni Demi. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Nelle sa kanang braso ko na tila ipinapahiwatig na natatakot siya sa maaaring mangyari matapos ang gabing ito.

“Hanapin mo si Aaliyah,” mahinang sabi niya sa akin. “I don’t know what you have told her but you need to find her and take back everything you said.”

Nagkibit-balikat lang ako at hindi pinansin ang sinabi ni Nelle. Alam ko, nasaktan ko si Aaliyah nang higit pa sa sakit na binigay ko sa kanya noong umalis ako. Pero kailangan kong panindigan ang mga salitang nabitiwan ko na. Kailangan kong gawin ang responsibilidad ko kay Nelle habang kasama ko pa siya. Kailangan kong tuparin ang pangakong binitiwan ko sa Mommy niya.

FLASHBACK

“Hindi mo naman kailangang mag-stay sa tabi ko palagi,” nakangiting saad niya habang nag-hahanap ng damit na susuotin mula sa closet niya.

“Yes, maybe it’s not needed but that’s what I want,” tugon ko.

Limang buwan makalipas ang sana’y operasyon niya ay nandito kami sa apartment na tinutuluyan nila ng parents niya at naghahanda para sa birthday niya mamaya. Hindi natuloy ang operation ni Nelle dahil imposible na daw na maalis ang tumor sa utak niya dahil kumalat na ang mga ito. Ang tanging nagawa na lamang ng mga doctor ay ang pigilan ang muling pagkalat ng cancer cells sa buo niyang katawan.

Nananatili namang normal ang pagkilos at buhay ni Nelle ngunit hindi maitatanggi ang sobrang payat na pangangatawan niya. Ang pagka-pale naman ng mukha niya ay natatakpan ng make-up kaya kung hindi mo talaga siya kilala at hindi mo alam ang totoong kalagayan niya ay ang tanging iisipin mo lang ay sadyang payat lang siya at is asa mga babaeng hindi makakalabas ng bahay nang walang suot na make-up.

“Thank you, Pij,” saad niya at saka ako niyakap. “But what about Ali?”

“She will understand,” malungkot na tugon ko.

Noong gabing iyon ay nag-dinner kami kasama ang pareho naming pamilya. Masaya ang lahat maging si Nelle. Ngunit sa totoo lang, pinipilit ko pa rin na huwag nang isipin si Aaliyah ngunit napakahirap palang gawin noon.

Patapos na kaming kumain nang biglang magsalita ang Mommy ni Nelle. “Paul, pwede mo ba akong samahan sa labas? May nakalimutan lang akong kuhanin sa kotse.”

Tumango naman ako at agad ring sumunod sa kanya palabas ng restaurant. Nang makarating kami sa parking area ay hindi naman niya binuksan ang pinto ng kotse nila. Sa halip ay tumingin lang siya sa akin at huminga ng malalim.

Maybe, she has to tell me something.

“Paul, I just want to tell you how grateful I am that you’re staying with Nelle,” panimula niya. “Siguro, binawi na siya sa amin ni God noon pa kung wala ka lang sa tabi niya. You are her strength, Paul.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Where stories live. Discover now