CHAPTER 7

33.4K 366 63
                                    

CHAPTER 7

October 2011

Tatlong linggo na kaming nag-ttraining ng COCC at hindi nga ganun kadali na matutunan ang lahat. Mahirap dahil may mga parusa kang matatanggap kapag may nakalimutan ka sa mga itinuro nila o kaya naman ay nagkamali ka. Pero fulfilling naman sa pakiramdam dahil masayang matuto ng ibang bagay.

Palabas na kami ng room para kumain sa canteen nang biglang makita namin si Aaron na naghihintay sa may grills sa tapat ng classroom namin.

“Hi,” bati niya nang makita niya kami.

Ilang linggo ko na din siyang nakikita tuwing may COCC pero tila palaisipan pa rin sa akin ang minsa’y bigla-biglang pagsulpot niya sa isip ko.

“Hi!” tugon na bati ni Lexie sa kanya. Si Demi naman ay hindi kumibo dahil una pa lang ay mukhang mainit na ang dugo niya rito. “Ano palang ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?” usisa ni Lexie.

“Ah. Actually,” napatigil siya at napatingin kay Demi.

Pansin ko lang, ha. Kapag may training tuwing Sabado ay madalas na napapansin kong tinitignan niya si Demi. Gusto niya ba ang bestfriend ko?

“Actually…” sabay baling ng tingin niya sa akin. “Hinihintay ko si Aaliyah,”

A-ako!?

“A-ano? H-hinihintay mo ako?” gulat na tanong ko habang itinuturo ko pa ng kamay ko ang aking sarili.

“Yes,” tipid niyang sagot. “I would just want to ask for your number.”

Number ko? Hinihingi niya ang number ko?! Aba! Para saan naman?!

“Para saan?” tanong ni Demi sa kanya. “Kung may sasabihin ka sa bestfriend ko ay sabihin mo na ngayon. Bakit kailangan mo pang hingin ang number niya?” inis na dugtong pa niya.

Akala ko ay maiinis si Aaron dahil sa inasal ni Demi sa kanya ngunit ginawaran lang niya ito ng isang malaking ngiti. Hindi plastic na ngiti dahil wala namang kahit anong bakas na nagsasabing peke nga ang ngiti niyang iyon.

“Wala naman akong intensiyon na masama sa bestfriend mo. Makikipag-kaibigan lang ako,” malumanay na paliwanag niya kay Demi.

“Sus! Ayos ‘yan, ah! Bagong-bago ang syle mo!” sarkastikong sabi ni Demi.

“Demi, tama na ‘yan,” saway ko sa kanya. Bumalik ako sa room para kumuha ng papel at ballpen saka ko isinulat ang number ko doon. “Ayan. Sana magtetext ka lang kung importante ang sasabihin mo,” sabi ko nang makabalik ako sa labas habang inaabot sa kanya ang kapirasong papel.

“Sure. Thank you,” nakangiting inabot niya mula sa kamay ko ang papel. “Sige, mauna na ako,” paalam niya.

“Nako, Ali! Wala akong tiwala sa lalaking ‘yon. Mag-iingat ka,” babala sa akin ni Demi sa oras na makaalis si Aaron.

“Malay mo naman may kailangan lang itanong,” sabat naman ni Lexie.

“Oo nga naman,” pagsang-ayon ko pa.

“Basta. Huwag kang agad-agad magtitiwala, okay?” muling babala niya pa.

~*~

Lumipas ang buong araw na hindi ako pinapansin ni Paul at sinusubukan ko namang ganun din ang gawin ko sa kanya. Hindi ko nga lang naiwasan na dumaan sa butterfly garden kaninang umaga upang magbaka-sakali na naroon siya. Ngunit tulad ng mga nakaraang araw ay wala akong naaabutan na Paul doon.

Pinipilit ko namang tanggapin ang mga sinabi niya. Kung minsan nga ay napapaisip ako na mas okay pa ‘yong dati na nag-aaway at nag-aasaran kami. At least, hindi dadaan ang isang araw na hindi kami nakakapag-usap. Pero siguro, kailangan ko nang masanay na panandalian lang talaga ang kabutihang ipinakita sa akin ni Paul. Ngunit narealize ko na napakahirap palang gawin noon.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon