CHAPTER 43

25.2K 263 68
                                    

CHAPTER 43

“Baka magaling na talaga siya at dito siya nag-aaral,” pahayag ko.

“Imposible! Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan!”

Naputol lang ang pag-uusap namin ni Demi nang dumating ang professor namin sa College Algebra. Buong maghapon ay iniisip ko lang kung si Nelle nga ba ang may-ari ng bookmark na iyon. Dali-dali rin akong bumalik sa library para kuhanin ang bookmark at itabi sa bag ko. Hindi naman iyon school property kaya hindi ko iyon kinuha mula sa kanila. Malakas lang talaga ang kutob ko sa bookmark na iyon.

“Bakit para kang nagmamadali dyan?” tanong ni Miggy nang makita akong aligaga paglabas ng library.

“W-wala,” saad ko at saka tuluyang lumakad paalis. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin at agad niya akong hinawakan sa braso ko dahilan upang mapatigil ako. “B-bakit?”

“May problema ba?” seryosong tanong niya sa akin.

Niyaya ko siya sa isa sa mga study areas doon sa labas ng library at naupo kaming magkaharap. “Nandito ata si Nelle,” agad kong pahayag.

“H-huh?” tila naguguluhan at hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Agad ko namang inilabas ang bookmark mula sa bag ko at ipinatong iyon sa harap niya. “Nakita ko ‘yan sa isa sa mga libro sa library,” paliwanag ko habang pinagmamasdan niya iyon. “Nelle Aiza Rodriguez. ‘Yan ang pangalan na nakalagay sa bookmark.” Hinanap niya ang pangalan na sinasabi ko at agad namn siyang tumigin sa akin nang makita iyon. “Yan din ang complete name ni Nelle. Malakas ang kutob ko na sa kanya ang bookmark na ‘yan.”

“How can you be so sure? Pwedeng maraming may ganitong pangalan sa Pilipinas, Aaliyah,” giit niya. “Isa pa, sa lahat naman ng Universities, magkakataon pa na dito siya nag-aral? We’re not even sure kung na-survive niya ang operation niya.”

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil mukhang hindi rin naniniwala sa kutob ko si Miggy katulad na lang ni Miggy.

“Look, Aaliyah,” saad niya at saka hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. “Kung siya man ito, that doesn’t necessarily mean na nandito rin si Paul. Malay natin, siya lang ang bumalik dito at naiwan si Paul sa Singapore?”

“Pero malakas ang kutob ko, Miggy,” giit ko.

“Kutob lang ‘yan. Huwag kang mag-overthink, okay?”

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan at pakinggan. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na nandito na sila ni Nelle. Pero kung ganun nga, bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin? Bakit hindi man lang niya sinabing nakabalik na siya?

October 2013

“Hanggang ngayon ba naman ay tinatago mo pa rin ang bookmark na ‘yan?” bungad sa akin ni Demi nang mailapag niya ang mga gamit niya sa upuan sa tabi ko.

“Nawawalan na nga ako ng pag-asa, eh,” buntong-hiningang tugon ko sa kanya.

“Hindi masamang sumuko, Ali. Lalo na sa mga bagay na pumipigil sa atin na mabuhay ng normal,” pahayag niya. “Minsan, kailangan mong palayain ang mga bagay para malaman mo kung babalik pa ba ito ng kusa sa iyo o hindi na.”

Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko kaya agad ko iyong kinuha upang tignan kung sino ang nag-text.

May importante akong sasabihin sa’yo. Magkita tayo sa canteen sa building niyo. Ngayon na. – Miggy.

Dali-dali akong nagpaalam kay Demi na pupunta lang ako sa canteen at bahala na kung ma-absent-an ako ng prof. Hindi maganda ang kutob ko sa kung anuman ang sasabihin ni Miggy na hindi na makapag-hintay.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon