CHAPTER 13

33.6K 313 17
                                    

CHAPTER 13

Uwian na iyon nang biglang humarang sa dadaanan namin ni Lexie si Renzo.

“Bakit ka ba nakaharang dyan?” tanong ni Lexie sa kanya.

Imbes na sagutin ang tanong ni Lexie ay binaling niya sa akin ang tingin niya at saka nagsalita. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit dalawang araw nang hindi pumapasok si Paul?”

Oo nga, second day na ngayon na hindi pumapasok si Paul. Sa totoo lang, kahapon pa ay nag-aalala na ako sa kanya pero pinilit kong huwag makaramdam ng concern kung ano man ang nangyari sa kanya.

“Bakit naman ako magtataka?” wari’y pagtataray ko sa kanya.

“Sigurado kang ayaw mong malaman kung ano’ng nangyari sa kanya?” nanliliit ang mga matang tanong niya sa akin.

Umiling-iling lang ako bilang sagot sa tanong niya at saka nagsimulang maglakad palabas ng gate. Hindi pa ako nakakalayo nang mapansin kong hindi sumunod sa akin si Lexie kaya napatigil ako.

“Bakit, Renzo? Ano nga bang nangyari kay Paul?” dinig kong tanong ni Lexie sa kanya.

“Mataas ang lagnat ni Paul simula pa noong isang gabi. Nagkataon ring umalis ang buong pamilya niya para sa negosyo nila sa probinsya kaya wala siyang kasama ni-isa,” sabi ni Renzo na halatang sinadyang lakasan ang boses niya upang marinig ko.

“Ha? Kawawa naman si Paul!” tulad ni Renzo ay nilakasan rin ni Lexie ang boses niya.

Tsk. Bagay sila, mahilig manadya.

“Gusto mo bang dalawin si Paul?” tanong ni Renzo sa kanya ngunit parang sa akin naman niya talaga iyon itinatanong.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi gumagalaw ang mga paa ko para umalis doon at hindi na makinig pa sa usapan nila. Pero tila may sarili na namang utak ang mga paa ko at ginusto nilang huwag umalis sa kinatatayuan ko.

“Oo naman! Kaso hindi ko alam kung saan siya nakatira, eh,” saad ni Lexie.

“Simula dito sa school, sasakay ka lang ng jeep na may nakasulat na bayan, tapos sabihin mo doon sa driver, ibaba ka sa may tea shop. From there, may matatanaw ka nang puting-putting bahay. ‘Yun na ang bahay nila Paul. Nag-iisa lang ‘yon na  puting-puti doon kaya makikita mo kaagad.”

“Salamat, Renzo! Dadalawin ko na lang agad si Paul doon. Kawawa naman, mag-isa lang siya,” mariing tugon pa ni Lexie kay Renzo.

Masyado kayong halata. Tss!

“Oh, Aaliyah. Akala ko nauna ka na?” wari’y gulat na saad sa akin ni Lexie nang madaanan niya ako sa labas ng gate.

“Oo, mauuna na ako. Ingat ka,” paalam ko sa kanya at nagtatakbo papunta sa kalsada upang makahanap agad ng masasakyan papunta sa bayan.

“’Diba naglalakad ka lang pauwi? Bakit para atang naghihintay ka ng jeep?” natatawang tanong sa akin ni Renzo nang maabutan nila ako ni Lexie.

“Ah… O-oo nga,” utal na tugon ko. “Ito na nga, oh. Naglalakad na!” sabi ko habang naglalakad sa direksiyon na pauwi sa bahay namin.

Ugh! Nakakainis ‘yong dalawang ‘yon, ha!? Paano na ‘yan, Aaliyah? Pupunta ka pa ba kay Paul? Pero.. kawawa naman siya. Teka, bakit ba ako nag-aalala para sa kanya?!

Nakarating ako sa bahay nang nagtatalo ang isip ko kung pupuntahan ko ba si Paul o hindi. Mukha namang napansin ni Mama na may bumabagabag sa loob ko kaya nilapitan niya ako at kinausap.

“What’s with the sad face, anak?” bungad na tanong niya sa akin.

“Nothing, Ma,” pag-dedeny ko.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon