CHAPTER 47

24.7K 261 67
                                    

CHAPTER 47

“What the hell have gotten into you at sinabi mo kay Ali that we are together?!” Kanina pa ako hindi tinatantanan ni Nelle sa mga tanong niyang paulit-ulit dahil hindi raw niya maintindihan kung bakit ako nag-sinungaling kay Aaliyah. “Paul! I need an answer!”

Nakarating kami sa kwarto niya nang hindi pa rin ako tinitigilan ng mga katanungan niya. “I had to do it,” mahinang tugon ko.

“BAKIT?!” malakas at mariing tanong niya.

Hindi ko pwedeng sabihin na hiniling sa akin ng Mommy niya na mag-stay ako sa tabi niya hangga’t nandito pa siya dahil alam ko ang ugali ni Nelle. Alam ko na kapag nalaman niya kung bakit ako nagsinungaling kay Aaliyah ay kukumprontahin niya agad ang Mommy niya tungkol sa pabor na hiniling nito sa akin.

“Kasi hindi ko na siya mahal!”

“We both know that it’s not true!” giit niya at saka lumapit sa akin. “Kaya nga tayo sa Harrison nag-enroll, kasi nga gusto mo siyang makita araw-araw, ‘diba?! Kaya nga tayo umuwi ng Pilipinas para balikan mo siya, ‘diba?!”

“Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ba dapat ay masaya ka dahil hindi ko na siya mahal?”

“Dahil hindi iyon ang totoo!” muli niyang sigaw sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at saka muling nagsalita. “We both know that you love her still, Paul. Of all people na pagsisinungalingan mo, you know you shouldn’t have lied to me kasi alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi.”

“Ayoko lang na iwanan kita,” mahinang tugon ko. “You are very important to me, Nelle.”

“But being important is very far from being loved by you, Paul. Mahal mo si Ali at tanggap ko iyon. Matagal na,” mahinahong pahayag niya. “Paul, ang tagal nating hinintay pareho na dumating ang araw na muli mo siyang makausap at makasama.”

“Just because I love her doesn’t essentially mean we should be together, Nelle,” buntong-hiningang pahayag ko. “Mahirap ang ginawa ko pero may sapat akong dahilan para gawin iyon.”

“Then what the f*ck is that acceptable reason?!” Nagsimula na naman ang pagtaas ng boses niya ngunit nanatili akong kalmado dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya.

“You need to rest,” saad ko habang hinahawakan siya sa kamay at marahang hinihila papunta sa kama niya. “Baka kung ano na naman ang mangyari sa’yo dahil sa sobrang pag-iisip.”

“NO. What I need is an explanation, Paul.”

“Uuwi na ako. I’ll see you tomorrow,” nagmadali akong lumabas ng kwarto niya at nagpapasalamat naman ako dahil hindi na niya ako ginawang sundan o habulin pa.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso ng kwarto at kumuha ng isang papel at ballpen upang magsimulang magsulat. Matapos magsulat ay agad kong idinial ang number ni Mhina. Ilang ring lang ay sumagot din siya agad.

“Paul,” bati niya sa akin at halata sa boses niya ang pagkapagod.

“May connections ka pa ba sa school paper ng Ashford?” diretsahang tanong ko sa kanya. “I need your help.”

“May bago ka bang ipapalagay sa school paper?”

“Oo sana. At gusto kong bigyan mo ng isang copy si Aaliyah kung sakaling mapagbigyan na ilagay sa school paper ang huling sinulat ko para sa kanya,” paliwanag ko pa.

“Hindi ko man alam kung ano ang dahilan mo at hindi ko man alam kung ano ang totoong nangyari, sige, gagawin ko,” seryosong tugon niya. “Siguraduhin mo lang, Paul, na sa huli ay kayo pa rin ni Aaliyah ang magbebenefit sa mga ginagawa mo.”

“Salamat,” ang tanging naitugon ko sa kanya at agad ko rin namang binaba ang cellphone ko.

~*~

Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Agad naman akong bumangon upang sagutin ang tawag na hindi ko alam kung kanino galing.

“Hello?” malamyang bati ko pa nang masagot ko iyon.

“Paul! Nelle’s in a critical condition! Isinugod siya sa hospital kaninang umaga!”

Agad akong tumakbo palabas ng bahay na hindi na iniintindi kung ano ang suot ko at kung gulu-gulo ba nag buhok ko. Mabilsi naman akong nakasakay ng taxi papunta ng hospital at nakita sa labas ng emergency room ang Mommy ni Nelle.

“Tita, what happened?!” nag-aalalang tanong ko. Umiiyak na siya at tila hindi makapag-salita upang ipaliwanag sa akin ang nangyari kaya bumaling ako kay Manang Kei upang manghingi ng kasagutan.

“Kaninang umaga po, noong tinatawag ko siya para mag-almusal ay hindi siya sumasagot,” panimulang kwento ni Manang. “Hanggang sa naisipan ko pong buksan na lamang ang pinto at gisingin siya. Pero pagkita ko po sa kanya, maputlang-maputla na ang mukha niya. Sinubukan ko po siyang gisingin pero hindi siya nagising. Hinawakan ko po ang pulso niya at napansin na mabagal na ang pag-tibok noon.”

“I’m so afraid, Paul,” umiiyak na saad ni Tita. Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik ang likod niya upang kahit paano ay gumaan ang loob niya. “She looked so lifeless.”

“Tita, Nelle have been so strong for so long. I know she will not give up this battle. Not yet.” Kahit na hindi ako sanay ay niyakap ko si Tita at hinagod ang likod niya upang ipakita na nag-aalala ko hindi lamang para kay Nelle kundi para na rin sa kanya.

Niyaya ko si Tita sa chapel at doon ay sabay kaming tahimik na humiling at nag-dasal sa Panginoon.

Lord, alam ko pong marami na akong nagawang kasalanan sa buhay ko. Marami na akong taong nasaktan, lalung-lalo na si Aaliyah. Pero sana po ay huwag niyo munang bawiin si Nelle sa amin. Hindi pa po ako handa. Hindi pa po ako handang mawalan ng kaibigan. Hindi pa po ako handang gumising isang araw na wala na ‘yong taong tatawagin akong Pij kahit na iritang-irita na ako.

Naririnig ko ang mga pag-hikbi ni Tita sa tabi ko at pilit ko namang pinapalakas ang sarili ko upang isipin na hindi pa agad susuko si Nelle.

Nang makabalik kami ni Tita sa emergency room ay inilalabas na ng mga nurse si Nelle mula roon upang ilipat na sa isang private room. Ako na ang nag-volunteer na mag-asikaso ng mga papel ni Nelle dahil alam kong masyado nang magulo ang isip ni Tita sa mga maaaring malaman niya mula sa doctor.

“Baka raw matagalan pa ang paggising ni Nelle sabi ng doctor,” panimulang paliwanag sa akin ni Tita nang makabalik ako sa kwarto ni Nelle. “Ilang oras na raw na unconscious si Nelle bago pa maidala dito. Marahil raw ay kagabi pa siya walang malay. Kung sana raw ay nadala siya agad rito ay maaari pang maagapan ang panghihina ng katawan niya.”

Marahil ay kagabi pa siya walang malay? Pero maayos naman siya nang iwanan ko siya. Hindi kaya hindi na niya ako nagawang sundan ay dahil sa nag-collapse na siya noong panahon din na lumabas ako ng kwarto niya? Ugh! You’re so stupid Paul! Kasalanan mo kung bakit hindi agad siya nadala ng hospital!

Bakit hindi ko naisip na kaya hindi na niya ako nagawang sundan paalis ay dahil sa nanghihina na siya?!

“I’m sorry, Tita,” mahinang pag-hingi ko ng paumanhin sa kanya. Hindi siya umimik at sa halip ay ginawaran lang ako ng isang ngiting alam ko namang pinilit lang niyang ilabas.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon