CHAPTER 38

25.8K 271 61
                                    

CHAPTER 38

Aaliyah’s POV

March 4, 2012

“Magbasa ka muna,” saad ni Ate Mhina habang inaabot sa akin ang isang newspaper. “Last issue na ‘yan for this school year.”

Kinuha ko iyon at sinimulang buklatin ang mga pahina. Natigil ako sa pagbuklat nang makita ko ‘yong isang picture ng isang lalaki at isang babae na magkahawak-kamay habang tumatakbo palayo.

It was me and Paul. It was when we ran away from the prom… together.

“I want to go through this cycle over and over,” pag-ulit ko sa mga huling linya na nakasulat doon sa article na iyon.

Kahit masakit, kahit maraming luha ang tumulo mula sa mga mata ko, uulit-ulitin kong mahalin ka, Paul.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng umalis si Paul. Kumalat na rin ito sa buong Ashford at tila nagulantang naman ang lahat sa biglaang pag-alis niya. Si Miss Lab ang nagpaalam sa batch namin ng tungkol sa pag-alis ni Paul.

Noong nakita ko sila sa faculty na kausap si Miss Lab, ayon din pala ang araw na nagpaalam sila rito. Nag-advance exams pala si Paul para makuha niya agad ang report card niya at medaling makaalis ng bansa.

“Nakatulala ka na naman dyan,” dinig kong sabi ni Miggy at naramdaman ko din ang pag-upo niya sa tabi ko.

“Sa tingin mo, Miggy, babalik pa siya?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“Hindi ako ang makakasagot ng tanong na ‘yan,” tugon niya. “Siya lang ang nakakaalam ng sagot diyan.”

Napabuntong-hininga na lang ako matapos niyang mag-salita.

“Pero alam kong mahal na mahal ka niya,” dagdag niya habang tinatapik ako sa balikat. “Bago mo pa malaman, alam na naming lahat iyon.”

“H-huh?” naguguluhang sambit ko. “H-hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin?”

Tumayo siya at saka nginitian lang ako. “Siya lang din ang makakasagot diyan, Aaliyah,” sabi niya at saka ginulo ang buhok ko at bumalik na sa upuan niya. Susundan ko pa sana siya kaya lang ay biglang dumating na si Sir Valdez at agad nag-simula ng klase.

“Pst!” sitsit sa akin ni Arkin habang naglalakad palabas ng gate.

“Oh?” tipid na tugon ko sa kanya nang lumapit siya sa akin.

“Sabay na tayong umuwi!” nakangiting sabi niya at saka ako inakbayan.

“H-huh? P-paano si Ate Mhina?”

“Marunong naman siyang umuwi mag-isa. Kaya na niya ang sarili niya,” wari’y seryosong tugon niya. “Hindi, biro lang. Nauna na siyang umuwi, kanina pa. May lakad daw sila ng mga kapatid niya,” paliwanag pa niya.

“Ah, ganoon ba.”

Naglakad kami pauwi habang naka-akbay siya sa akin. Kung anu-ano ang mga kinuwento niya habang naglalakad kami at tila walang kapaguran ang bunganga niya.

“Bakit parang ang daldal mo ata ngayon?” putol ko sa pag-kukwento niya ng isang storyang alam ko namang gawa-gawa lang niya sa isip niya.

“Kesa naman mapanis ang laway ko katulad mo,” natatawang sagot niya.

“Hindi niyo naman ako kailangang palaging bantayan, eh. Kaya ko ang sarili ko,” saad ko habang patuloy na naglalakad. “Pero thank you sa inyong lahat. Salamat sa suportang binibigay ninyo.”

“Nako, ikaw talaga! Napaka-drama mong pinsan!” aniya at saka pinindot-pindot ang ilong ko.

“Ugh! Arkin!” saway ko sa kanya at saka siya binatukan. “Akala mo naman ikaw, hindi ma-drama!”

“Masakit ‘yon, ha!” sabi niya habang hinihimas-himas ang ulo niyang binatukan ko. “Tara nga, mag-usap muna tayo!” yaya niya at biglang hinawakan ang kamay ko.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa park. Pinaupo niya ako sa swing at saka iyon tinulak. naupo rin siya doon sa kabilang swing ngunit pinanatili lang niyang naka-hinto iyon. Hinintay kong tumigil ang swing ko bago nagsalita.

“Arkin, ano’ng naramdaman mo nung nalaman mong aalis ka noon at maiiwan si Ate Mhina dito?” curious na tanong ko sa kanya.

“At first, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sobrang mixed emotions. Kasi syempre, makakasama na namin si Ate Mei at mabubuo na kami. Pero dahil nga may maiiwan ako dito, sobrang hirap,” kwento niya. “Hindi madali ‘yong naging desisyon ko na hiwalayan si Mhina noon. Pero mas hindi kaya ng konsensya ko na iwanan na lang siya basta nang walang closure.”

“Arkin, sobrang tindi ng pag-iyak ni Paul noong nagpaalam siya sa akin,” saad ko. “Hindi niya nga nagawang sabihin sa akin ‘yong salitang good bye o kahit na paalam.”

“Kasi mahirap, Aaliyah,” tugon niya. “Kung nahirapan kang tanggapin na aalis na siya, mas mahirap para sa kanya iyon,” Tumingin siya sa akin saka ngumiti. “Alam mo kung bakit?” Umiling lang ako bilang sagot. “Kasi para sa kanya, kasalanan niya ang lahat ng mararamdaman mong sakit kasi siya ang umalis. Dobleng sakit ‘yong nararamdaman niya ngayon kasi alam niyang may posibilidad na magalit ka sa kanya at piliin na lang na kalimutan siya dahil sa ginawa niyang pag-alis.”

“Pero sinabi ko naman sa kanya na maghihintay ako,” kontra ko sa sinabi niya.

“Hanggang kailan? 1 month, 1 year, 2 years? Gaano katagal mo kayang mag-hintay, Aaliyah?” tanong niya na tila ba sinasabing hindi ko naman magagawang mag-hintay.

“Hindi ko alam,” tipid na tugon ko.

“Yan! ‘Yan ang dahilan kung bakit ayaw niyang mag-hintay ka. Kasi ikaw mismo sa sarili mo, hindi mo masabi kung hanggang kailan ka tatagal,” sumbat niya sa akin. “Madaling sabihin na ‘okay lang, maghihintay ako sa’yo kahit na gaano pa katagal’. Pero mahirap pang-hawakan at panindigan ang salitang iyon. Hindi mo alam, bukas, may dadating na lang na ibang lalaki sa buhay mo at bigla kang ma-iinlove sa kanya. Malay mo, sa susunod na mga araw, ikaw naman pala ang aalis at hindi mo na magagawang magpaalam sa kanya kasi wala naman kayong communication. Maraming pwedeng mangyari, Aaliyah. Hindi mananatiling nakasara ‘yang puso mo para lang kay Paul.”

“Pero mahal ko siya.”

“Kahit gaano pa katindi o kalalim ‘yang nararamdaman mong pagmamahal para sa kanya, sa tingin mo ba, hindi ‘yan magbabago sa paglipas ng mga araw na hindi mo siya nakikita? Na hindi mo siya nakakausap? Na hindi mo siya nakakasama?” mariing mga tanong niya sa akin. “Tandaan mo, Aaliyah. Feelings only remain unchanged when there is also a physical contact between two people, not just when there is a constant relationship among their hearts.”

Tumayo si Arkin mula sa swing at saka lumapit sa akin. Naupo siya sa harap ko at saka hinawakan ang mga kamay ko. “Aaliyah, you need to learn how to love like you are literally crazy. You would have to lose control of yourself – try standing at the edge of a cliff, laugh until you choke, expect to be hurt, expect to be left alone, and then cry – cry at night ‘til the sun comes out, cry ‘til it hurts no more,” tuluy-tuloy na payo niya sa akin. “And you know what’s the best thing to do after crying? Go crazy in love again and never ever be afraid to take each step all over again.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon