CHAPTER 11

32.1K 288 16
                                    

CHAPTER 11

November 2011

Sembreak na ngayon at ngayon ang araw na naisipan ni Aaron na kabayaran ko sa pagkatalo ko sa kanya sa basketball. Ngunit ang sabi niya ay wala naman daw nanalo kaya tie na lang kami at ililibre din niya ako. Mamaya pa ang usapan namin ngunit pinili kong pumunta nang maaga upang makapag-libot na din.

“Ay, sorry!” Napatingin ako sa sigaw na nagmula sa likod ko. Agad ko namang nilapitan ang babaeng naka-wheelchair na may nabanggang bata.

“Okay ka lang, bata?” tanong ko doon sa batang lalaki, na nasa seven years old na siguro, habang inaalalayan siyang tumayo. Imbes na magpasalamat at sumagot sa tanong ko ay dinilaan lang ako ng bata.

“Isusumbong kita sa Mommy ko!” sigaw niya doon sa babaeng naka-wheelchair.

“Sorry, bata. Hindi ko naman sinasadya.” paumanhin noong babae ngunit mabilis na tumakbo ang bata palayo.

“Pagpasensiyahan mo na ‘yun. Alam mo naman ang mga bata, mga pasaway,” sabi ko habang lumalapit sa kanya.

Nginitian naman niya ako at saka nagsimulang paikitin ang gulong ng wheelchair niya.

“Sandali!” pigil ko sa kanya.

“B-bakit?” tanong niya habang hinihintay na makalapit ako sa kanya.

“Mag-isa ka lang?”

“Hindi. Sa totoo lang, kasama ko ang nurse ko. Pero tumakas ako,” pilyang tugon niya sa akin. “Tsaka may hinihintay din kami.”

Bahagya naman akong napangiti dahil sa maamo niyang mukha. “Saan ka ba pupunta?” tanong ko.

“Actually, hindi ko rin alam. Gusto ko lang makalayo sa mga taong itinuturing akong fragile,” malungkot na paliwanag niya.

“Uhm, gusto mong pumunta sa sky garden? Sa may taas lang ‘yon.” yaya ko sa kanya. “Sasamahan kita, don’t worry,” paninigurado ko sa kanya nang may makita akong alinlangan sa mukha niya.

“Okay lang sa’yo?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Why not?!” nakangiting sagot ko. “Ako na ang magtutulak.”

Nakarating kami sa sky garden at mabuti na lamang na kaunti pa lamang ang mga taong naroon.

Kung sabagay, maaga pa naman kasi.

“Ano nga palang pangalan mo?” tanong niya sa akin nang makaupo na ako sa bench.

Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. “Ali na lang ang itawag mo sa’kin.”

“Ali. Ang ganda ng pangalan mo,” galak na sabi niya.

“Salamat.”

“Pwede ba akong maupo sa tabi mo?” tanong niya. “Don’t worry! Nakakatayo naman akong mag-isa.”

“Talaga? Oo naman.” sabi ko at umusog para bigyan siya ng space na makaupo. “Uhm, if you won’t mind… pwede ko bang malaman kung anong nangyari sa’yo?”

Ngumiti siya ngunit agad din namang nawala iyon. “I’m suffering from brain cancer.”

“B-brain cancer?” nauutal na tanong ko dahil sa pagkagulat. “Ang bata mo pa para magkaroon niyan. If I’m not mistaken, halos magka-age lang tayo.”

“I’m sixteen,” saad niya. “Wala namang pinipiling edad ang sakit na ito. I just don’t understand why it happened to me.”

“I’ll be turning sixteen soon,” nakangiting tugon ko. “It happened, maybe because God knows how strong you are. He knows you’ll survive it.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon