CHAPTER 20

29.5K 262 11
                                    

CHAPTER 20

Hindi rin nagtagal ay muling lumabas sa platform si Miss Lab at sinabing i-a-announce na daw niya ang mga nakakuha ng awards for this night.

Ang nanalong Queen of the night ay si Adrian, isa sa mga CAT Officers, at ang Queen of the night naman ay mula din sa Seniors. Mukha namang lovers ang nanalo ng Mr. and Miss Senior.

“This year’s Mr. Junior is non-other than, Mr. Paul Justine Salcedo!” Agad naman akong nakaramdaman ng tuwa nang marinig ko ang pangalan niya. Tumayo siya na parang hindi rin makapaniwala pero marami ang nag-palakpakan nang makarating siya sa platform.

Hindi man lang marunong ngumiti. Tsk. Pero ang gwapo nga niya. Lalong pinaangat ng suot niyang pink long sleeves at black coat ang kanyang angking ka-gwapuhan.

Si Cassey ang naging Ms. Junior at ang naging Eye Catcher of the Night ay walang iba kundi si Lexie. Wala nang nakakapagtaka doon dahil parang every event naman ay may nakukuha siyang award.

Ilang sandali pa ay nag-simula na ang music at nag-sayaw na sa gitna ang mga nanalo ng awards. Matapos iyon ay nag-announce si Miss Lab na last two songs na daw bago matapos ang prom na ito at sumenyas na siya na patugtugin ang first song.

“Miggy, please be my last dance,” dinig kong saad noong isang babaeng senior sa harap ni Miggy.

“Ha? Eh kasi…” nagdadalawang isip na tugon ni Miggy habang nakatingin sa akin. “Sorry, I ca—“

“Miggy, okay lang,” putol ko sa kanya. “I’ll be fine. Go ahead,” nakangiting dagdag ko pa.

He then smiled and nodded. Halatang tuwang-tuwa ‘yong babae at kitang-kita ko sa kanya na gusto niya talaga si Miggy.

I hope I also have the courage she has.

Nahagip din ng mata ko sina Demi at Aaron na nagsasayaw. Sa pagkakataong ito ay wala na akong naramdaman na selos o kung ano pa man. Ilang sandali pa ay naisipan kong pumunta na lang sa washroom upang tignan kung maayos pa ba ang itsura ko.

Noong naglalakad na ako papunta sa washroom ay nakasalubong si Paul. Ni hindi man lang niya ako nagawang tignan pero alam kong nakita niya ako. Tila iwas pa din siya sa akin hanggang ngayon.

Sabagay. What do I expect? Hay.

Hindi naman ako masyadong nagtagal at lumabas din ako agad. Saktong natapos ‘yong song noon at agad ding nag-simula ang intro ng last song. Pagbalik ko ay sinalubong agad ako ni Miggy.

“Saan ka nag-punta?” bungad na tanong niya.

“Sa washroom lang.”

“Tara say—“

“Aaliyah!” Hindi naituloy ni Miggy ang sasabihin niya nang bigla akong tawagin ni Renzo from his back. “Aaliyah, sayaw daw kayo ni Paul.”

“A-ano?” gulat na tanong ko.

“Gusto kang makasayaw ni Paul,” ulit niya pa.

G-gusto ni Paul na makasayaw ako? P-pero…

“Niloloko mo lang ata ako, eh,” seryosong pahayag ko. “Tara, Migg—“

“Hindi ka niya niloloko.” Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likuran. “Will you be my last dance?” dinig kong tanong niya dahilan upang manginig ang mga tuhod ko.

Is this real? Totoo bang niyayaya niya akong mag-sayaw? Totoo bang kinakausap niya ako?

I turned around to see if everything is real. Nakita ko siyang nakangiti sa akin at agad inilahad ang kanyang palad sa harap ko. Bigla na lang akong may naramdaman na tumulak sa akin kaya napasubsob ako sa dibdib ni Paul.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon