CHAPTER 23

30.1K 232 31
                                    

CHAPTER 23

Maaga akong nagising upang makapag-ayos kaagad bago dumating si Paul. Wala akong clue kung saan kami pupunta kaya casual lang ang isinuot ko. Sabado ngayon at buti na lang ay wala kaming training ng COCC dahil nag-aayos ng clearance ang mga seniors para sa nalalapit nilang graduation.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Aaron.

Gra-graduate ka na pala. Sana man lang magka-usap kami ulit bago niya iwan ang Ashford. Hay.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa may unan ko kaya agad kong tinignan iyon.

I’ll be there at around 9:10. I’m sorry, may pinapagawa lang si Dad sa shop. I miss you already. J

Napangiti ako nang mabasa ko ang message na iyon kahit na sinabi niyang mahuhuli siya ng ilang minuto. Kagabi lang kami huling nagkita pero na-miss na agad niya ako.

Waaaaa! Nakakabaliw pala ang palaging kinikilig?!

Lumabas ako sa sala at naabutang nanunuod ng tv doon si Papa. “Hi, Pa. Good morning,” bati ko sa kanya at saka naupo sa kabilang couch.

“Aalis ka?” tanong niya.

“Opo, Pa. Sasamahan ko lang po ‘yong kaibigan ko.”

“Sinong kaibigan? Si Miggy?” muling tanong niya habang naka-focus pa rin ang mga mata sa pinapanuod niya. “Saan kayo pupunta?”

“Hindi po si Miggy, Pa. Si Paul po. Hindi niyo pa po siya nakikilala,” paliwanag ko. “Susunduin niya po ako dito.”

Tumingin sa akin si Papa at saka hininaan ang volume ng tv. “Anak, mag-iingat ka sa mga sinasamahan mo. Saan mo ba nakilala ‘yang Paul na ‘yan?”

Bago pa man ako makasagot ay bigla nang tumunog ang door bell. In-excuse ko muna ang sarili ko kay Papa para papasukin si Paul.

“Good morning,” nakangiting bati niya sa akin. “Sorry kung medyo natagalan, ha?”

“Ayos lang,” tugon ko.

“Are you ready?” tanong niya at inilahad ang kamay niya sa akin. “Tara na?”

“Wait, Paul. Nandyan kasi si Papa sa loob,” sabi ko at para naman siyang nagulat nang sabihin ko iyon. “Gusto sana kitang ipakilala kasi hindi ka pa niya nakikita.”

“N-nandyan ang Papa mo?”

Tumango ako bilang sagot. “Bakit?” tanong ko at nakita ko ang takot sa mga mata niya. “Mabait naman si Papa. Huwag kang mag-alala. Hindi ka lalamunin ng buhay non!” natatawang pahayag ko.

“Hindi ako natatakot, ‘no!” saad niya.

Hindi natatakot? Kitang-kita ko kaya ang panginginig ng tuhod niya!

“Pa, si Paul po. Siya po ‘yung kaibigan ko. Tsaka, kaklase ko din po pala siya simula first year,” bungad ko kay Papa nang makapasok kami ni Paul sa bahay.

Tumayo naman si Papa at pinatay ang tv. Bumaling ito kay Paul nang hindi ngumingiti. “Magandang araw,” bati niya.

“M-magandang araw po, S-sir,” utal na tugon ni Paul at saka kinuha ang kanang kamay ni Papa upang mag-mano. “I-ipagpapaalam ko lang po sana si Aaliyah na lumabas. Ibabalik ko din naman po siya kaagad.”

Hindi pala natatakot, Paul, ha?! Pero bakit nauutal ka?! Pinigilan kong matawa sa itsura ni Paul dahil baka lalo siyang panghinaan ng loob kapag tinawanan ko siya.

“Huwag kayong magpapa-gabi,” tugon naman ni Papa. Tila nakahinga ng maluwag si Paul nang marinig ang sagot ni Papa dahilan upang maging diretso ng muli ang pagsasalita niya.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon