CHAPTER 18

30.9K 250 41
                                    

CHAPTER 18

“CAT HUMANAAAY!”

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang sigaw ng mga Officers nang tawagin nila ang mga CAT cadets. Agad naman akong tumayo at ginising sina Demi dahil paniguradong susunod agad ang pag-tawag sa amin. Malayu-layo pa naman ang tatakbuhin namin papunta sa court.

“COCC HUMANAAAAY!”

Mabilisang lumabas kami ng tent at tumakbo papunta sa court. Halos lahat ay hindi pa nakakasuklay at halatang mga puyat pa mula sa activities kagabi.

“In five minutes, dapat ay makapag-ayos na kayo ng sarili ninyo. Brush your teeth, fix your hair, your shoes, your shirts, everything. Lahat ng wala pa dito after 5 minutes, may katumbas na punishment! Understood?!” dire-diretsong utos ni Officer Gomez.

“Sir, yes, Sir!” Sabay-sabay na sigaw namin.

“MOVE!” sigaw niya at saka kami nagtakbuhan palabas ng court.

Mabilisan ang ginawa naming pag-aayos sa sarili at hindi na inintindi ang iba. Nang makabalik ako sa court ay marami-rami na rin ang mga CAT na nandoon pati na rin ang mga kapwa ko COCC.

“The winners of last night’s activity is Team Bravo, having to finish the activity for only five minutes and thirty-four seconds.” saad ni Officer Cruz. “And also Team Alpha, having a time of five minutes and twenty-three seconds.”

Natuwa naman ako nang marinig kong kami pala ang pinakamabalis na team kagabi. Nagpalakapakan ang lahat at natigil lang iyon nang muling mag-salita si Officer Cruz.

“The winners will be given 500 merits each.”

“Wow!!!” gulat at tuwang-tuwang sambit ng mga nanalo kasama na ako.

Malaking factor ‘yon sa choosing of officers! Wow!

“Congratulations, cadets!” sabay-sabay at malakas na bati ng lahat ng officers sa amin.

“CAT, COCC, take my command! Harap sa kaliwa, ‘rap!” utos ni Officer Gomez at lahat naman kami ay sumunod. “Harap sa kanan, ‘rap!” Pagharap namin sa kanila ay matagal bago muling nag-salita si Officer Gomez. “Pugay-kamay!” Sabay-sabay kaming sumaludo at hinintay na sumaludo din ang mga officers bago ibaba ang mga kamay namin.

Agad din nila kaming dinismiss matapos iyon. Dahil sa bigat ng katawan na nararamdaman ko ay sumakay na ako ng jeep pauwi sa bahay. Agad din akong nakatulog nang makahiga ako sa kama ko at naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong may tumatapik sa braso ko.

“Uhm…” giit ko.

“Aaliyah, anak. Gising na,” dinig kong tawag ni Mama. “Kanina ka pa hinihintay ni Aaron sa sala.”

Agad naman akong napaupo sa kama ko. “Ano’ng sabi mo, Ma? Sino’ng naghihintay sa’kin?!”

“Si Aaron. Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa sala.”

“Po?!” napahawak ako sa noo ko ng makaramdam ng pagkahilo dahil sa biglaang pag-bangon. “B-bakit hindi mo na lang pinauwi, Ma?”

“Ayaw niya, eh. Sabi ko nga bumalik na lang. Sabi naman niya ay hihintayin ka na lang niyang magising kung okay lang sa akin,” paliwanag niya. “Pumayag naman ako.”

“Bakit daw siya nandito?”

“Aba. May lakad daw kayo?” patanong din na sagot sa akin ni Mama.

Muli na naman akong napahampas sa noo ko nang maalala ko na niyaya nga pala niya akong lumabas ngayon dahil kailangan daw naming mag-usap. “Ugh! Oo nga pala! Nakalimutan ko!”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon