CHAPTER 35

26.8K 233 48
                                    

CHAPTER 35

March 4, 2012

“Mhina, mamayang hapon na ang flight namin papuntang Singapore,” saad ko habang nagtitimpla siya ng juice. “Please pray for Nelle’s recovery.”

“I definitely will,” nakangiting saad niya. “Matatagalan ba kayo doon?” tanong niya habang inaabot sa akin ang juice.

Nagkibit-balikat ako at uminom muna ng juice bago magsalita. “Hindi ko alam. Doon na din kasi gustong pag-aralin ni Daddy sina Princess at JP.”

“Kung ganoon, matagal nga,” malungkot na tugon niya. “Pati ikaw doon na din mag-aaral?” Tumango ako bilang sagot at sinimulang magsulat sa papel na hiningi ko sa kanya kanina. “Paano na kayo ni Aaliyah?”

Tumigil ako sa pagsusulat at saka humarap sa kanya. “Gusto ko mang pag-hintayin siya ay hindi ko magawa,” tugon ko. “Hindi ko kasi alam kung kailan kami babalik. Hindi ko alam kung gaano niya ako katagal kayang hintayin. Ayoko ring isarado niya ang puso niya para lang sa akin.”

“May internet naman at cellphone. Kaya niyo pa din namang makapag-communicate.”

“Hindi ganoon kadali iyon, Mhina,” pag-kontra ko sa kanya. “Ikaw ba? Makukuntento ka na cellphone at internet lang ang nagiging way para makapag-usap kayo ni Arkin kung sakaling natuloy siyang pumunta ng New York?”

Tila naman napaisip siya nang sabihin ko iyon. “Sabagay,” buntong-hiningang tugon niya. “But distance should not matter when two persons believe that there’s nothing love cannot do.”

“Madaling sabihin, mahirap panindigan,” muling pag-kontra ko sa kanya. “At isa pa, hindi na rin kami pwedeng mag-usap. Alam mo naman ang binitiwan kong pangako kay Nelle.”

“Oo, alam ko,” aniya. “Alam ko rin kung paano nag-iba ang ugali ni Nelle ng dahil sa pagmamahal niya sa’yo.”

“Alam mo rin na mahalaga siya sa akin at hindi ko kayang mawala siya ng dahil sa sarili kong kapabayaan,” buntong-hiningang dagdag ko pa.

“But you don’t have to blame yourself, Paul,” sabi niya habang hinahawakan ang balikat ko na tila ba pinapagaan ang pakiramdam ko. “Siguro nga, obligasyon mo na alagaan siya dahil iyon ang pinangako mo sa kanya. Pero hindi mo kasalanan kung ano man ang mga maling desisyon na ginagawa ni Nelle sa buhay niya.”

Pinili ko na lang na huwag nang magsalita dahil pakiramdam ko ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko at mas lalo kong nararamdaman na ayokong umalis at iwanan si Aaliyah. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat at tumahimik lang din si Mhina habang hinihintay akong matapos.

“Para sa last issue ng school paper,” saad ko habang inaabot sa kanya ang papel. Kinuha naman niya iyon at ngumiti.

“Cycle,” panimulang basa niya. “This has been a cycle right from the start. Where every single turn is like a stab in my heart. Where every single tear is like a river flowing apart. But when I look at you, for some reasons, I want to go through this cycle over and over.”

Tinignan niya ako matapos niyang basahin iyon at tila may mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata niya. “Simula pa lang, naniniwala na ako na kayo ni Aaliyah ay para sa isa’t-isa,” panimula niya. “Soul mates nga, ‘diba?” natatawang dagdag niya pa. “Kaya, Paul…” Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil ang mga iyon. “This cycle will be over soon. Mapapalitan lahat ng paghihirap mo ng panibagong saya. Maybe this is destiny’s way of saying… it’s not time yet. Maybe this is God’s way of saying… there will be another cycle you need to go through before you find its last stage.” Pagkasabi niya noon ay pumatak ang mga luha sa pisngi niya na agad din naman niyang pinunasan. “Mamimiss kita, Paul!” sabi niya at saka ako niyakap ng mahigpit.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon