CHAPTER 4

36.5K 343 23
                                    

CHAPTER 4

“PASULOOOOOONG, ‘KAD!” pasigaw na utos ng corp commander ng CAT na sa pagkakakilala ko ay si Adrian Gomez.

Nakahanay na pumasok sa room namin ang mga kasama niyang CAT Officers. Tuwid na tuwid ang kanilang mga katawan, maging ang mga mata nila at diretso lang ang tingin.

“Excited na talaga ako, Ali.” tuwang-tuwang ani Demi sa tabi ko.

“Good morning, Juniors!” bati sa amin ng lahat ng officers na tinugunan din naman namin ng good morning.

“Alam niyo naman sigurong lahat na sa unang linggo ng Septrember ay magsisimula na ang training ng mga gustong sumali sa Cadet Officer Candidate Course o COCC ng school natin,” panimula ni Adrian. “Sa mga magiging cadets kukuhanin o pipiliin ang mga maging CAT Officers for the next school year,” aniya pa.

“Hindi naman na siguro lingid sa kaalaman ninyo na ang pagiging officer niyo ay magdudulot ng magandang bagay sa inyo sa susunod na taon. Bukod sa makukuha ninyo ang respeto ng mga kaklase ninyo ay kayo rin ang magsisilbing gabay nila upang matutunan ang mga basic commands ng CAT,” dagdag ng babaeng kasunod ni Adrian sa linya.

“Sino na ba’ng nakapag-desisyon sa inyo na sumali sa COCC?” tanong nung isa pang lalaki na officer.

Sabay kaming nagtaas ng kamay ni Demi at ganun din naman ang ginawa nina Miggy, Lexie, at ng iba pa naming mga kaklase. Sa bilang ko ay labing-lima lamang kaming lahat.

“Officer Mercado, pakibigyan ng application form ang mga nagtaas ng kamay,” utos ni Adrian doon sa isang lalaking hindi ganoon katangkad.

Lumapit siya sa amin at inabot ang isang pirasong papel.

“Maaari ninyong ipasa ang inyong mga application forms simula sa Monday. Siguraduhin niyo lang na nasagutan niyo lahat ng impormasyon na hinihinga dyan,” matapang na sabi sa amin noong Officer Mercado.

Tumango lang kami ni Demi bilang sagot.

~*~

PE class namin ngayon at nasa girls locker room kami nina Demi at Lexie para magpalit ng jogging pants at t-shirt.

“Ano ba’ng nangyari kay Ate Mhina, Ali?” tanong sa akin ni Demi.

“Hindi ko alam,” kibit-balikat na tugon ko.

“May problema ata sila ni Arkin,” sagot ni Lexie. “Sa pagkakaalam ko kasi noong nakaraang linggo ay may mga bagay silang hindi napagkakasunduan,” dugtong pa niya.

“Actually,” singit ko. “Kanina kasi may ipinaabot na sulat sa akin si Arkin para kay Ate Mhina. Nandoon ako noong binabasa iyon ni Ate Mhina. Tapos napansin ko na lang na parang naluluha na siya. Tapos ayon, mabilis siyang tumakbo palabas at hindi na bumalik pa.

“Hay, sana naman ayos lang sila,” nag-aalalang saad ni Demi.

Natigilan ako ng biglang dumaan si Paul sa locker room namin. Huminto siya sa tapat ko at ginawaran ako ng isang kindat na may kasabay na ngiti.

“Good luck sa game mo,” aniya at mabilis na naglakad paalis.

Parang bigla na namang umangat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko. Pakiramdam ko ay kasing-pula na ng strawberry ang mga pisngi ko. Pinili kong tumalikod at maglakad palayo kina Demi at Lexie upang hindi nila makita ang reaksyon ko ngunit mabilis nila akong nahabol.

“Ano’ng ibig-sabihin no’n?!” halatang kinikilig na tanong ni Demi sa akin.

“A-anong… Ano ‘yon?” wari’y inosenteng tanong ko.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon