CHAPTER 27

28.2K 303 51
                                    

CHAPTER 27

Ngayon ginaganap ang Victory Party sa Ashford ngunit napag-pasiyahan kong mag-stay na lang sa bahay dahil hindi ko naman kayang mag-saya ngayon. Buti na lang at hindi required na pumunta doon. Isa pa, nakita ko rin ang pangalan ni Nelle doon sa guest list at paniguradong magkasama sila ni Paul doon ngayon.

“Nakatulala ka na naman dyan,” dinig kong sabi ni Mama pagpasok niya ng kwarto ko. “Kanina pa ako kumakatok pero hindi mo naman binubuksan kaya pumasok na ako.”

“Pasensiya na po, Ma,” paumanhin ko ngunit hindi ko siya nagawang tignan.

“Bakit hindi ka um-attend sa Victory Party ng basketball team ng school ninyo?” tanong niya habang sinusuklay ang buhok ko.

“Wala po ako sa mood,” malungkot na tugon ko.

“Bakit, anak? Ano’ng problema?” tanong niya. “Noong nakaraan ay sobrang saya mo lang tapos ngayon naman ay mukhang pasan mo na ang mundo.”

“Ma, bakit po ganon? Bakit po kung kailan masaya na ako tsaka naman biglang mawawala iyon ng isang iglap lang?” tanong ko sa kanya at pilit na pinipigilan ang nagbabadyang pagtulong muli ng mga luha ko.

Hindi pa ba kayo ubos? Please naman, oh. Huwag ngayon. Huwag sa harap ni Mama.

“Aaliyah, kasi hindi naman pwedeng palagi ka na lang masaya. Hindi rin naman pwedeng palagi kang malungkot. Isipin mo na lang, kung palagi kang masaya, paano mo pa mararamdaman ang pakiramdam ng totoong kasiyahan kung hindi ka muna makakaramdam ng kalungkutan?” Hinarap ako ni Mama sa kanya at saka hinawakan ang dalawang kamay ko. “Tell me, anak. What happened?”

Kinuwento ko kay Mama ang lahat ng nangyari. Mula noong nakilala ko si Nelle sa mall hanggang sa naging pamamaalam namin ni Paul sa isa’t-isa kagabi.

“Bakit hindi mo siya hinayaang magpaliwanag?” naguguluhang tanong niya nang matapos akong mag-kwento. “Bakit hindi ka nakinig sa kanya?” dagdag pa niya habang pinupunasan ang mga luhang pumatak sa mga pisngi ko kanina habang nag-kukwento sa kanya.

“Ma, natatakot akong baka maniwala na naman ako sa kanya,” paliwanag ko. “Baka po madala na naman ang puso ko at hindi nito matiis na maniwala sa kanya.”

“Iyan ba talaga ang kinatatakot mo? Kasi sa tingin ko ay hindi.” Huminga siya ng malalim bago muling nagpatuloy. “I think you’re just afraid to find out na hindi naman pala si Paul ang nagsinungaling sa’yo kundi ang sarili mong utak na piniling paniwalaan ang taong minsan mo lang nakasama kesa sa taong noon pa man ay nandiyan na para sa’yo. Natatakot kang maramdaman ang pagsisisi na hindi mo pinakinggan ang puso mo at sa halip ay sinunod mo ang sinasabi ng isip mo.”

Tama si Mama. Natatakot akong mapatunayan sa sarili ko na dapat ay ang puso ko ang sinunod ko at hindi ang isip ko. Pero masyado nang masakit.

“Siguro nga po, Mama,” tipid na tugon ko sa kanya.

“Kausapin mo siya, Aaliyah. Kailangan mong pakinggan ang side niya,” sabi ni Mama habang tumatayo mula sa kama ko. “Give yourself the chance to listen to your heart. In fact, you really don’t have to hear his explanations. You only have to hear the beating of his heart,” saad niya at saka tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Without even thinking twice, I found myself typing a message for Paul.

Let me hear your heartbeats.

Wala akong natanggap na reply mula sa kanya kahit na naghintay ako for about twenty minutes. Naalala kong sinabi niyang hindi na niya ako kakausapin pa.

Huwag naman sana. Hindi pa sana huli ang lahat. Baka hindi pa lang niya nababasa ang message ko dahil nasa party siya. Oo, Aaliyah. Tama.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa backyard namin upang i-check ang mga rabbit na binili ni Paul.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Where stories live. Discover now