CHAPTER 36

26K 261 74
                                    

CHAPTER 36

*After Aaliyah returned the keychain to Paul*

Dali-dali akong nagpunta sa bahay nila Nelle nang iwanan akong mag-isa ni Aaliyah sa butterfly garden.

“Nasaan si Nelle?!” galit at pasigaw na tanong ko kay Manang Kai. Nakita ko pa ang pagbakas ng gulat na ekspresiyon sa mukha ng matanda ngunit punung-puno ng galit ang dibdib ko at hindi ko na nagawang humingi ng paumanhin.

Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ni Nelle at bigla siyang napatayo sa pagkakaupo sa kama niya nang makita niya ako.

“What happened?” gulat at nagtatakang tanong niya sa akin.

“You tell me what happened!” Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.

“I have no idea on what you are talking about,” saad niya at saka sana ay tatalikuran ako ngunit bigla kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

“Ano’ng sinabi mo kay Aaliyah?” mariing tanong ko.

“A-aray, Paul. Nasasaktan ako,” saad niya habang pilit na inaalis ang kamay ko mula sa braso niya. “Bitiwan mo ako, Paul. Masakit,” rinig kong pagmamakaawa niya.

“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi ka nagpapaliwanag!”

“Fine!” sigaw niya pabalik. “I told her na pinaglalaruan mo lang siya! I told her na you don’t really like her!”

Dahil sa mga sinabi niyang iyon ay hindi ko napigilan ang sarili kong itulak siya. Nagulat rin ako sa ginawa ko at laking pasasalamat ko nang makita kong doon naman siya sa kama niya bumagsak.

“Sinabi ko sa kanya na ako talaga ang gusto mo at hindi siya!” Sa mga pag-sigaw niyang iyon ay hindi maitatago ang mahihinang pag-hikbi niya. “Sinabi ko rin na past time mo lang siya habang wala ako!”

“Bakit mo sinabi ‘yon, Nelle?! Alam mong hindi ‘yan totoo!” galit na sigaw ko sa kanya. Halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang galit ngunit pinipigilan ko ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa kay Nelle kapag tuluyan akong nagpa-dala sag alit ko.

“Kasi galit ako sa kanya! Galit ako sa kanya kasi siya ang gusto mo at hindi ako!” pagdadahilan pa niya.

“That’s not enough reason para sabihin mo sa kanya ang mga kasinungalingan na ‘yan! You don’t know how hurt she is right now!”

“Tapos ako sa tingin mo hindi ako nasasaktan?!” Tumalikod ako sa kanya dahil hindi ko kayang makita siya. “PJ! Alam mong mahal kita!”

Imbes na sumagot ay diretso akong lumabas mula sa kwarto niya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na ginawang lingunin pa siya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. Nang palabas na ako sa bahay nila ay may narinig akong malakas na kalabog.

“Ma’am Nelle!” dinig kong sigaw ni Manag Kai.

Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ni Nelle at nakita kong nakadapa na siya sa sahig. Agad ko siyang binuhat at isinakay sa kotse nila.

Gulung-gulo na ako, Nelle. Why are you so selfish? Hindi na ba ako pwedeng sumaya kasama si Aaliyah? Hindi ko ba pwedeng putulin na ang pangako ko sa’yong aalagaan kita?

Ilang minuto lang nang makarating kami sa hospital ay agad ding dumating ang Mommy ni Nelle mula sa trabaho. Aligaga ito dahil hindi malaman ang gagawin sa nangyari sa anak niya.

“I’m sorry,” paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

“Ano ba’ng nangyari?” mahinahong tanong niya sa akin. “Bakit bigla na lang siyang nag-collapse?”

“Nag-away po kasi kami, Tita. I’m sorry. Hindi ko po sinasadya.”

“No, Paul. I know Nelle so much. I know hindi kayo mag-aaway kung wala siyang ginawang kalokohan. I’m sorry,” saad nito habang hinahawakan ako sa balikat. “And thank you for bringing her here.”

Hindi ko na hinintay pang magising si Nelle dahil hindi ko rin kaya na makita pa siya matapos ang mga sinabi niyang kasinungalingan kay Aaliyah. Nagpaalam na ako sa Mommy niya at dumiretsong umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay masama ang tingin sa akin ng kapatid kong si JP ngunit hindi na ako nag-abalang tanungin kung ano ang problema niya dahil masyado na rin akong maraming problema para intindihin pa siya sa ngayon.

Kinabukasan ay tila nagbago ang ihip ng hangin ng makatanggap ako ng text mula kay Aaliyah na sinasabing she wants to hear my heartbeats. Noon pa lang ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Dali-dali akong pumunta sa bahay nila nang mabasa ko ang text na iyon at hindi na inintindi ang text ni Nelle na pupunta siya sa Victory Party ng basketball team ng Ashford.

Nag-door bell ako ng isang beses at agad ding lumabas ang Mama ni Aaliyah.

“Nasa likod siya. Pinapakain ang mga rabbit ninyo,” bungad na sabi niya sa akin.

Ngumiti ako at nag-mano sa kanya bago tuluyang pumasok at pumunta sa likod ng bahay nila.

Nang makarating ako roon ay nakita ko siyang nakaupo sa harap nina Carrot at Chico at kinakausap ang mga ito. “Namimiss niyo na ba ‘yong totoong may-ari sa inyo? Ako din kasi, eh.” Nakita ko ang pag-taas baba ng mga balikat niya, sign na nagbuntong-hininga siya, nang sabihin niya iyon.

“Huwag kang mag-alala, mas namimiss ka niya,” nakangiting saad ko. Ang akala ko’y lilingon na siya kung saan ako naroon ngunit hindi niya iyon ginawa.

“Hay, nag-hahallucinate na ata ako! Ugh!” saad niya at marahang pinapalu-palo ang magkabilang pisngi niya na tila ba ginigising ang sarili niya.

Nakakatuwa ka talaga, Aaliyah.

“Ano kayang ginagawa noon? Magkasama kaya sila ni Nelle ngayon? Hay, malamang nandoon sila sa party.”

Lumapit ako sa kanya ngunit hindi niya ata ako napansin kaya muli akong nagsalita. “Nandito kaya ako sa tabi mo,” saad ko habang umuupo sa tabi niya.

“P-paano ka nakapasok?” Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya na tila ba ay nakakita ng isang bagay na imposibleng mangyari.

“Pinapasok na ako ni Tita. Sabi niya ay nandito ka daw,” paliwanag ko.

“Bakit ka umalis sa party?” tanong niya.

Party? Ah! Sa Victory party! Akala niya ba ay nag-punta ako doon?

“Hindi naman ako nagpunta doon kasi wala ka. Wala naman akong gagawin doon. Isa pa, hindi ko kayang magsaya matapos ang mga nangyari kagabi.”

Agad naman akong napayuko nang marinig ko ang mga sarili kong sinabi.

Last night was actually one of the worst nights of my life. Ugh!

“Paul, I’m sorry,” saad niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sincerity doon. “I should have listened to you first.”

“It’s not yet too late. Pwede ko pang ipaliwanag sa iyo ang lahat.”

Umiling naman siya at ngumiti. “Sa totoo lang, you really don’t have to explain. Let me just… Let me listen to your heartbeats.”

Pagkasabi niya noon ay agad ko siyang hinarap sa akin at marahang itinutok ang tenga niya sa kaliwang dibdib ko. Naramdaman ko ang unti-unti at lalong pagbilis ng tibok ng puso ko the moment na dumikit siya sa akin.

“Paul. Ang bilis ng tibok ng puso mo,” dinig kong pahayag niya.

“I told you. You’re the only one who can make my heart beat this fast.”

Nang mga oras ring iyon ay tila lahat ng masasakit na salitang nabitiwan namin sa isa’t-isa kagabi ay napawi na.

This is what I love about being in love. You don’t have to explain everything verbally because your heart can make things clear by just simply beating with the right melody.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Where stories live. Discover now