CHAPTER 49

25K 249 53
                                    

CHAPTER 49

Paul’s POV

“Nasaan si Nelle?!” agad kong tanong kay Demi na nang makita ko siyang nakatayo sa entrance ng hospital na pinagdalhan nila kay Nelle dito sa Manila.

“Nasa ICU siya ngayon, Paul,” mahinang tugon ni Demi. Nagmamadali akong pumasok ng hospital at hinanap ang ICU. Pagkarating ko roon ay nakita kong nakatayo sa tapat ng pinto si Aaliyah.

“P-Paul,” bigkas niya ng pangalan ko nang makita akong palapit sa kanya. Iniwasan ko ang mga tingin niya at sa halip ay sumilip sa loob ng kwarto kung nasaan si Nelle. Bigo ako nang wala akong makita kaya’t naupo na lamang ako sa waiting area sa gilid ng kwartong iyon.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pag-upo ni Aaliyah sa tabi ko. “Pumunta siya sa bahay,” panimulang saad niya. “Hindi ko inaasahan na nagpunta siya doon para kausapin ako at hilingin sa akin na intindihin daw kita.”

Tumingin ako sa kanya at sa unang pagkakataon ay nakita at naramdaman ko ang lungkot na bumabalot sa mga mata niya. “Ano’ng mga sinabi niya sa’yo?”

“Hindi na muna siguro mahalaga iyon. Gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi ako galit sa’yo o sa ginawa mo. Hindi ko kailanman magagawang magalit sa’yo, Paul.” Ipinatong niya ang palad niya sa isang balikat ko at saka dahan-dahang hinimas ang buto ko roon. “Time will come, I’ll get to say those magic words to you again.” Pagkasabi niya noon ay agad siyang tumayo at naglakad palayo sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi mo kay Ali, Nelle. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa mo o hindi dahil nagdulot naman ito ng muli mong pagkasugod sa hospital.

Noong gabi ring iyon ay inilabas si Nelle sa ICU at agad siyang inilipat sa isang private room. Napagpasiyahan na rin ng mga magulang niya na dito na muna sa hospital na ito sa Manila sila mag-stay upang mabantayan si Nelle.

“Can we talk?” tanong sa akin ng Mom ni Nelle nang makapasok ako sa private room na pinagdalhan sa kanya.

Tumango lang ako at lumapit sa kanya.

“Kasalanan noong Aaliyah na ‘yon kung bakit umalis ng hospital si Nelle nang hindi nagpapaalam sa kahit na sino sa atin.” Ramdam ko ang galit na namumuo sa kanya noong mga panahon na iyon. “Ilang oras nating hinanap si Nelle pero nagpunta pala siya dito sa Manila kahit na alam niyang delikado!”

“I’m sorry, Tita. Hindi ko po siya nabantayan.”

“You should be, Paul!” sigaw niya sa akin. Sa lahat ng pagkakataong nagkausap kami ni Tita ay ngayon lang niya ako nasigawan. Pero kailangan kong intindihin dahil alam kong natatakot lang siya sa maaaring mangyari kay Nelle. “Gaano katagal na naman ang hihintayin ko bago siya magising ulit?! Hindi ko nga alam kung magigising pa ba siya, eh.”

Nakayuko lang ako at pilit na tinatanggap ang mga bagay na sinasabi at sinisisi niya sa akin.

“I asked you to stay with my daughter! Bakit nandito ‘yang Aaliyah na ‘yan?!”

“H-hindi ko po alam na pupuntahan siya ni Nelle.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon