CHAPTER 50

26.9K 260 54
                                    

CHAPTER 50

Noong gabing iyon ay sobrang sama ng pakiramdam ko at parang sinisilaban ang buong katawan ko. Naramdaman ko na lang ang pagpupunas ni Mama sa katawan ko at ang paglalagay niya ng isang hot compress sa noo ko.

Kapagkuwa’y nakatulog ako at hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas dahil pagmulat ko ay nakita ko si Aaron na nakaupo sa study chair sa gilid ko.

“Gising ka na pala,” nakangiting bati niya sa akin. “Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo? Gutom ka na ba? Sandali lang at kukuha lang ako ng pagkain.” Tumayo siya at akmang lalabas na sana ng kwarto ko nang pigilan ko siya.

“Aaron,” pigil ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at ginawaran na naman ako ng ngiti.

Why, of all the times I saw him smile, did I feel my heart melt just now?

“Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ko sa kanya, trying not to sound harsh.

“Kinamusta kita kay Demi at napag-alaman kong mataas ang lagnat mo simula pa kagabi. Nagpasama ako sa kanya dito sa bahay niyo,” paliwanag niya. “Kung ayaw mo, uuwi na din ako. I just checked kung may maitutulong sana ako.”

Umiling ako at saka ngumiti. “How long have I been sleeping?”

“Sabi ni Tita, kagabi pa matapos ka niyang painumin ng gamot,” saad niya habang unti-unting lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang noo ko at bahagyang napailing. “Mataas pa rin ang lagnat mo. Gusto mo na bang kumain?”

Umiling lang akong muli. “B-bakit mo ginagawa ‘to?”

“Ang alin?” Dumistansya siyang muli mula sa akin at pinili na lamang maupo sa study chair ko.

“Ang pag-aalaga sa akin,” mahinang tugon ko. “Hindi mo naman kailangang gawin ito.”

“Because I care for you.” Tumitig siya sa mga mata ko at hindi ko man lamang nagawang umiwas ng tingin kahit na pakiramdam ko ay iba ang mga titig niyang iyon.

Ilang minuto kaming natahimik at ang tanging bumasag lang sa katahimikan namin ay ang pag-vibrate ng cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko. Ipinaabot ko iyon kay Aaron at mahinang binasa ang message sa sarili ko.

Let’s talk. Butterfly garden. – Paul

“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Aaron at agad din naman akong inalalayan habang tumatayo mula sa kama ko. “Ako na lang ang kukuha. Ano ba’ng kailangan mo?”

Kahit na nahihilo at mabigat ang pakiramdam ay nagawa ko pa ring tumayo ng direst. “Kailangan kong umalis,” pahayag ko. “Nasaan si Mama?”

“Umalis siya, bumili ng gamot mo,” tugon niya. Tumango naman ako at mabilis na naglakad papunta sa CR ng kwarto ko upang makapagpalit ng damit.

“Saan ka ba pupunta?” nag-aalalang tanong ni Aaron na pilit din akong pinipigilan nang palabas na ako ng gate ng bahay namin. “Sasama ako!”

“Hindi pwede,” saad ko. “May kailangan lang akong kausapin.”

“Hindi kita pwedeng hayaan na umalis mag-isa na ganyan ang lagay mo,” mariing pahayag niya. “Mataas pa ang lagnat mo at baka kung ano’ng mangyari sa’yo.” Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pilit naman akong pumiglas ngunit masyado siyang malakas at mahina naman ang katawan ko kaya’t nanatili siyang nakahawak sa akin.

“Fine!” iritang sigaw ko sa kanya. “Kailangan naming mag-usap ni Paul.”

“S-saan?” utal na tanong niya.

“Sa Ashford,” tipid na tugon ko dahil alam ko namang hindi niya alam ang tungkol sa butterfly garden. “Please, Aaron. Hayaan mo akong umalis. Baka ito na ‘yong chance na magkaayos kami ni Paul.”

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon