CHAPTER 3

37.5K 363 39
                                    

CHAPTER 3

Nagising ako sa malakas na ring na nagmumula sa cellphone ko. Tinignan ko kung sinong kumag ang tumatawag ngunit nang makita ko ay number lang ang nag-flaflash sa screen nito.

“Hello?” inaantok ko pang bati sa nasa kabilang linya.

“Nasaan ka na?” tanong niya.

“Sino ‘to?” malamyang tanong ko pabalik.

“May usapan tayo, ‘diba? Huwag mong sabihin na kagigising mo palang?!”

Hindi naglaon ay nabosesan ko din kung sino ang nasa kabilang linya. Sa tono pa lang ng pananalita niya, tiyak kong siya nga iyon.

Ngunit dahil sinira niya ang mahimbing na tulog ko… “Sino ka ba? At saka anong usapan ang pinagsasasabi mo? Ang aga aga mong mambulabog.” wari’y iritang saad ko.

“Bumangon ka na dyan at maligo. Fifteen minutes,” utos niya. “In fifteen minutes, dapat nandito ka na,” at narinig ko na ang pagbaba niya ng cellphone.

Ugh! Ang aga niyang mambwisit!

Napatingin ako sa orasan sa study table ko. 6:13 a.m.

Alas-otso pa naman ang pasok namin, ah? Bakit ba ako minam—

Naputol ang kung anumang sinasabi ng isip ko nang bigla kong maalala ang sinabi niya kahapon noong nahuli niya akong sumusunod sa kanya.

~*~

FLASHBACK

“I’m sorry,” paumanhin ko.

“Sorry doesn’t exist in my vocabulary,” seryosong pahayag niya.

“Ano’ng gusto mong gawin ko? Ang lumuhod sa harap mo?”

Nagpakawala siya ng isang ngiting mukhang may binabalak na hindi maganda bago muling nagsalita. “That would be nice. Pero hindi ‘yon ang gusto ko.”

“What do you want then? Wala akong pera.”

“Do me a favor, will you?” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Hindi katiwa-tiwala ‘yang ngiti mo na ‘yan, ha? Ngiti na naman ng isang demonyo. Tsk!

“Ano ‘yon?” iritang tanong ko na wari’y naiinip na.

Bago pa siya makasagot ay biglang tumunog ang cellphone niya. Lumayo muna siya ng bahagya sa akin bago sinagot ang tawag.

“Malapit na po ako, pakisabi na lang po sa kanya. Sige po. Salamat po,” dinig kong sabi niya sa kausap niya sa cellphone kahit na lumayo siya sa akin.

Matapos makipag-usap ay bumalik siya sa harap ko at tinignan ako sandali na akala mo ay ine-examine ako.

“Tomorrow, six in the morning, school garden.” walang-prenong pahayag niya at saka tuluyang umalis.

END OF FLASHBACK

~*~

Dali-dali akong bumangon at nagpunta sa banyo upang mabilis na maligo.

Nako, Aaliyah! Patay ka na naman! Kaya pala halata na ang inis sa boses niya kanina. Tapos kung anu-ano pang sinabi ko sa kanya. Ugh! Stupid!

Mag-sisix twenty-five na nang makaalis ako sa bahay. Mayroon na lang akong humigit-kumulang limang minuto para makarating sa school. Sakto namang may humintong jeep sa tapat ko para isakay ako. Kung dati ay naglalakad lang ako papasok, ngayon ay kinailangan ko pang sumakay ng jeep para lang umabot sa kinse minutos na  palugit niya sa akin.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon