CHAPTER 2

17.6K 200 5
                                    

CHAPTER 2

“Sila na ba ni Paul?”

“Oh my gosh! Hindi sila bagay!”

“Hindi naman siya maganda, bakit siya pa?”

“Kailan naging sila? Bakit ang sweet nila? Nakakainis!”

Walang-humpay ang mga bulung-bulungan na naririnig ko simula nang pumasok ako sa gate ng school. Lahat ng mata ng mga estudyante ay nasa akin nakatuon. Kulang na lang ay lagyan ko ng toothpick ang talukap ng mga mata nila para hindi na sila kumurap pa.

Maayos naman ang kinalabasan ng party kagabi dahil hindi man ako nanalo sa singing contest ay naging first runner-up naman ako. Si Lexie ang itinanghal na Ms. Acquaintance 2011.

Paakyat na sana ako nang bigla kong makasalubong si Renzo sa may hagdan.

“Hi, Aaliyah!” nakangiting bati niya sa akin.

Si Renzo P. Vicente, ang matalik na kaibigan ni Paul. Siya ang captain ball ng basketball team ng school. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya dito sa school namin dahil nga sa galing niyang mag-basketball at dahil na rin siguro sa maamo niyang mukha.

“Renzo! Congrats nga pala kagabi,” sabi ko habang tinatapik ang kanang balikat niya. “Mr. Acquaintance 2011! Ibang level ka na!” tuwang-tuwang ani ko.

“Thank you,” nahihiyang pasasalamat niya. “Uhm, siya nga pala. Nakita mo na ba ang bagong issue ng school paper?”

Umiling-iling ako na tila ba walang alam.

“You better go and get one.” sabi niya habang may gumuguhit na nakakalokong ngiti sa mga labi niya. “I should go. See you later!” paalam niya sa akin at tuluyan nang nawala sa paningin ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga lower batch na nag-bubulung-bulungan kanina nang makita ako. Napansin ko na lahat sila ay may hawak na news paper dahilan upang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

‘Yung bagong issue ng school paper.

Dali-dali akong naglakad pabalik sa gate dahil nandoon ang paper stand upang makakuha ng isang copy at para matignan na rin ang nilalaman nuon.

Sana hindi tama ang iniisip ko. Sana hindi inilagay ni Ate Mhina ang picture namin ni Paul noong Acquaintance Party doon.

Habang palapit ako nang palapit sa paper stand ay ang pagbilis din ng tibok ng puso ko.

Iniisip nila na kami ni Paul? Hindi pwede.

Bago pa man ako makarating sa gate ay sinalubong na ako ni Lexie ng isang malaki at mahigpit na yakap.

“Grabe, Aaliyah! Hindi mo man lang ako in-inform!” pambungad na bati niya sa akin.

“In-inform na ano?” inosenteng tanong ko.

“Na may something kayo ni Paul! All these times, ang buong akala ko ay total enemies kayo. Tapos mababalitaan ko na lang na sobrang sweet niyo nung Acquaintance!”

Ano daw? Something between me and Paul? Ugh! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Uuuugh!

Napansin ko na may hawak siyang school paper kaya without her knowledge ay kinuha ko iyon mula sa kanya. Wala pa rin siyang tigil sa pagsasalita at wari’y naiinis sa akin dahil hindi daw ako nag-kukwento sa kanya.

Agad kong binuklat ang bawat pahina ng school paper hanggang sa bumulaga sa akin ang isang malaking larawan ng isang babae at lalaking nakatitig sa isa’t-isa. Ang lalaki ay nakahawak sa baywang ng babae at ang babae naman ay sa balikat ng lalaki. Kung titignan mong mabuti ay mukhang mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon