Chapter 35 All You Had To Do Was Stay

4K 354 99
                                    

"If your love is strong and meant to be for each other, no storm will ever wash it away."


Yhael POV


Suot-suot ang itim na jacket, itim na pants at itim na baseball cap na may light-emitting diode o LED para 'mabulag' ang CCTV at di ako makita ay naglakad ako sa madilim na pasilyo na halos nakadapa na sa sahig habang panay ang paglinga sa paligid. Nang alam kong malapit na ako sa range kung saan abot na ng kuha ng CCTV camera sa taas ng pinto ng office ni dad ay in-on ko na ang LED. Tumayo ako at napasandal sa pader. Kinakapa ang daan patungo sa pinto.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay isinuot ko ang surgical gloves na dala at pin na gagamitin to pick the lock. Nahirapan ako sa pag-forge ng lock dahil madilim. Hindi naman masyadong nakakatulong ang LED na suot. Ngunit kalaunan ay narinig ko na ang pag-click ng locked nito mula sa loob. Lihim akong nakahinga ng maluwag.

Maingat at mabilis ang mga galaw na pumasok ako sa loob ng opisina. In-off ko na rin ang suot na ilaw sa ulo. Inilabas ko mula sa bulsa ng suot na jacket ang cellphone para tignan ang kinuha kong picture ng sketch na bigay ni Huxley kung saan naroon ang vault ni daddy.

Naglakad ako ng thirteen steps mula sa pinto pasulong hanggang sa tumapat ako sa pabilog na araw na design ng carpet na nasa sahig. Pumihit ako sa bandang kanan kung saan nakatapat ako sa painting ng isang parang rumaragasang dagat na nakasabit sa dingding. Naglakad ako ng limang hakbang pasulong doon.

Nang matapos ko ang limang hakbang ay pumihit ako sa bandang kanan ko. Pader na lang ang nasa harapan ko. Humakbang ako ng tatlong beses. Nang matapos ko ito ay napaluhod ako sa sahig. Inilabas ko ang cutter mula sa loob ng dalang belt bag at maingat na hiniwa ang carpet sa sahig. Square size na hindi lalagpas sa four inches ang height at width.

"Shit." Mahinang bulong ko sa sarili ng matanggal ang takip ng ilang wires na kumokonekta sa bomba na siyang sasabog kapag namali ng dalawang beses sa combination sa vault ni daddy. Isa lang ito sa mga inilagay niyang securities sa kanyang vault. It must contain an important documents or whatsoever kung ganito kahigpit ang security features ng vault.

May ilang kulay ng wires na nandito. Red, yellow and blue wires. Tinignan ko muna ang serial number nito bago sinipat ng tingin ang mga wires.

You can do this, Yhael. Sabi ko sa sarili.

Agad kong napansin na iisa lang ang kulay asul na wire. Hinawakan ko ang mga wires at tinignan kung saan nakakabit ang mga ito. Nang masiguro kung saan, ay inihanda ko na ang gagamiting pang-cut. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang putulin ang unang wire.

Napadasal muna ako at agad na napapikit ng mariin ng ma-cut ko ito. Para bang hinihintay ko na lang na may sumabog. Pero lumipas na ang ilang segundo ay wala akong naririnig. Idinilat ko ang isang mata habang nakangiwi. Walang sumabog? Noon lang ako nakahinga ng maluwag. Muli kong ibinalik sa ayos ang takip at carpet na maingat kong nilagyan ng glue para magdikit.

Maingat akong tumayo mula sa kinaluluhuran at lumapit sa painting na nakita ko kanina. Tinanggal ko ito mula sa pagkakasabit at tumambad sa akin ang puting-puting pader. Inilabas ko ang UV flashlight at itinapat sa pader. Napangisi ako ng makita ang limang fingerprints doon.

Tinanggal ko ang suot na gloves sa kaliwang kamay at inilabas mula sa dalang belt bag ang isang sealed container na naglalaman ng gloves na may mga fingerprints ni daddy. Kaliwite siya kaya fingerprints sa kaliwang kamay ang ginamit bilang isa sa security features ng vault.

Isinuot ko ito at maingat na itinapat sa pader. May narinig akong click ng lock bago ito dahan-dahang bumukas.

Kinuha ko ang fingerprints ni daddy kaninang umaga ng dinalhan ko siya ng meryenda dito sa office niya. Agad kong inilagay sa sealed container ang hinawakan niyang baso para makuha ko ang fingerprints niya.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now