Chapter 25 Delicate

4.3K 388 356
                                    

"Love is strong yet delicate. It can be broken. To truly love is to understand this. To be in love is to respect this."


Devone POV


"Bye, mommy!" Sabay kaway na paalam ni Davian sa akin nang maihatid ko siya sa kanyang school.

"Bye, I love you!" Kumaway din ako pabalik sa kanya bago ako tumalikod at sumakay muli sa sasakyan para magtungo naman sa MHS.

The guards immediately greeted me when I entered the gate to which I returned a smile and a modest greeting.

I walked into the school grounds towards the Admin building. There are students and teachers who greet me on the way. I just answered them with a small smile and a simple 'Good morning'.

"Mrs. Lucas!" Tawag sa akin ni Coach Uno.

"Yes, Mr. Uno?" Saglit akong tumigil sa paglalakad to accommodate him.

"Hindi ko na kasi nakikita si Dr. Yhael, ipapaalala ko lang sana sa kanya ang tungkol sa friendly match ng alumni sa Foundation Day." Saad niya.

"Alright Mr. Uno, I will remind her. But I think she and Santos started practicing last Saturday." I replied. "Hindi ko lang alam kung sino pa ang mga kasama nilang nag-practice."

"Okay, sige Mrs. Lucas." May ngiting tugon niya. "Thank you."

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na siya at tumuloy na rin ako patungo sa admin building.

Halos kakaupo ko pa lang sa swivel chair nang may kumatok sa pinto.

"Come in." Pagbibigay-permiso ko sa kung sino man ang nasa labas.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at mukha agad ni Miss Nieves ang bumungad sa akin.

"Good morning, Mrs. Lucas." Nakangiting bati niya.

"Yes, Miss Nieves?" Tugon ko. "Good morning too, please come in." Sabay mosyon na maupo siya sa silyang nasa harap ng lamesang ginagamit ko.

"Here is the program for Foundation Day and lists of guests to be invited." She uttered.

She handed me several white short bond papers. She is one of the appointed sub-committee chairs for the event. As the Event Chair, I appointed sub-committee chairs to help me prepare for the upcoming Foundation Day of MHS.

"Can you just leave it so I can review it properly? I'll just call you if I have questions." I told her while briefly scanning the program she gave me.

"Yes, ma'am." Agad naman niyang tugon bago tumayo mula sa kinauupuan.

"Uhm, Miss Thamarra." Muling tawag ko nang may maalala.

"Ma'am?" Bigkas niya ng muling pumihit paharap sa akin. Nakatayo na siya malapit sa pinto.

"Are you free this coming weekend?" I asked.

"Hindi po ako sigurado, ma'am." Napapaisip na sagot niya. "Bakit po?"

"I would like to invite you this weekend. We are going to celebrate because my sister Dominique was accepted as a Professor at Matalinhaga University. We will go to Baguio to celebrate there. And if you would agree, I would like to invite you to come with us." I answered.

"Oh, uhm, I..." Parang bigla siyang na-pressure.

"You don't have to give your answer now." I immediately interjected. "Pag-isipan mo lang muna."

Hindi siya agad nakatugon. "Okay po, ma'am." May tipid na ngiting sagot niya. "I'll check my schedule po."

Tumango ako sa kanya bilang tugon. Nagpaalam na rin siya pagkatapos.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now