Chapter 14 Anti-Hero

5.6K 389 271
                                    

"That one wants nothing to be different, not forward, not backward, not in all eternity. Not merely bear what is necessary, still less conceal it.... but love it."


Yhael POV


"Baba!"

Agad na tumakbo papalapit sa akin si Hale nang makita akong lumabas ng kuwarto. Hinintay ko siyang makarating sa kinatatayuan ko habang na kina Devone at Genesis ang tingin ko. Napatingin din sila sa gawi ko at natigil sa pag-uusap nang marinig na tinawag ako ni Hale.

"Good morning, Baba!" Masiglang bati niya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi at iniyakap ang mga braso sa leeg ko nang kargahin ko siya.

"Morning too, boss." Balik bati ko din sa kanya.

Inilagay niya ang mga kamay sa tainga ko saka bumulong para walang makarinig ng kung ano mang sasabihin niya sa akin.

"Tito Genesis gave mommy another bouquet of red roses." Bulong niya. Para itong nagre-report sa akin.

"Hmm..." Napatingin ako sa mga kamay ni Devone, wala naman siyang hawak na bulaklak. "Really?"

"Yes, Baba." Bulong pa rin niya.

Napapakunot-noo na si Devone sa amin sabay napahalukipkip na nakatingin pa rin sa direksyon ko at ni Hale.

"Where is it now?" Ganting bulong na tanong ko din.

"She kept it, Baba." Sumbong niya.

"What?" Hindi makapaniwalang tugon ko.

Tumango si Hale saka napanguso. "It's the first time she's done that. She never liked the flowers tito Genesis gave her."

"So sinong mas pogi sa amin?" Tanong ko sa kanya.

He rolled his eyes. "Of course..." Bigkas niya. "Him."

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa huling sinabi. Inasahan ko pa naman na sa akin ito boboto! Tsk!

"Mommy said you prefer to be called magandang-pogi." Depensa niya. "So you're not pogi, you're magandang-pogi, Baba!"

Napapalatak na lang ako. Napakagaling dumepensa. Buhat-buhat si Hale ay naglakad kami papalapit sa kinatatayuan nina Devone at Genesis.

"Good morning, love." Bati ko kay Devone ng makalapit kami sa kanya.

"Good morning -"

At sinadya ko talagang halikan siya ng may katagalan sa harapan mismo ni Genesis.

"Yhael." May pananaway sa tinig ni Devone ng bahagya niya akong itinulak sa dibdib dahilan para maputol ang halik.

Napatirik ang mga mata ko sa ginawa niya. Eksaheradang napatikhim ang lalaking nasa harapan namin.

"O, Mayor, nandiyan ka pala!" Kunwaring noon ko lang ito napansin.

Ngumiti siya ng tipid sa akin. "I don't think we've already been properly introduced." Bigkas niya sa baritonong tinig.

Alam ko ang mga karakas nito. Matamis magsalita, nakakaengganyo pakinggan, tipong gano'n. Tipikal na ugali ng politiko.

"I'm Genesis." Sabay inilahad sa akin ang kanang kamay sa akin.

Pormal ang mukhang tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Dr. Yhael Lucas." Makahulugang bigkas ko na may kalakip na diin na hindi kami magkaibigan o magkakilala ng lubusan para magtawagan sa unang pangalan. "But you can call me, Dr. Lucas." Dugtong ko. "Mayor." Tsaka binitawan na ang kamay nito.

Destined to be Yours Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon