Chapter 6 Style

6.2K 476 322
                                    

"Dear Destiny, I'm ready now."


Yhael POV


"What's your favorite sport, Baba?" Tanong ni Hale sa akin habang magkahawak-kamay kaming naglalakad kasunod nina Mrs. Manzano na nauuna, at ang kanina pa nagkukwentuhan na sina Devone at Huxley. Kagagaling lang naming nag-dinner sa labas.

Gusto ko na yatang magselos, kanina pa sila nag-uusap na parang sila yata ang naka-miss sa isa't isa! Habang ako halos iilang beses lang na kinausap ni Devone. Pilit pa?! Tsk.

"Basketball, of course." Sagot ko.

"Aside from basketball, what else?" Kanina pa rin tanong ng tanong si Hale tungkol sa mga paborito ko. Nakakatuwang isipin na he's trying to know me more.

"Hmm..." Kunwaring napaisip ako. Nagsu-sway sway pa ang mga kamay naming magkahawak. "Volleyball?" Patanong kong sagot.

Napapalatak siya. Napangiti ako sa nakuhang reaksyon mula sa kanya.

"O, bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko.

Parang natalo sa pustahan na napabuntong-hininga siya ng malalim. "We have the same favorite sports but we have different second choices. Yours is volleyball while mine is board games."

Natawa ako ng marahan. "Halika nga."

Saglit akong tumigil para buhatin siya. Gusto ko siyang i-baby kahit na sinabi niya kanina kay Devone na big boy na daw siya.

"Did you know that apart from swimming, your mommy is also good at any board games?" Sabi ko.

"Really?" Nakayakap ang mga kamay siya sa leeg ko.

"Yes." Napapatangong sagot ko. "She's pretty smart as well. Just like you."

Natigil lang kami sa pag-uusap ng marating na namin ang room number nila. Same floor din ang kinuha ni Huxley na kuwarto namin pero may ilang pinto rin ang pagitan mula sa hotel room ng mag-ina ko.

Ayaw na naman akong bitawan ni Hale ng inihatid ko sila baka daw kapag umalis ako ay hindi na ako babalik. Baka hindi na naman daw ulit niya ako makikita ng matagal. Nalulusaw tuloy ang puso ko sa sinabi niya.

"Promise, anak. Babalik ako." Sabi ko habang nakaluhod sa harapan niya at hawak siya sa magkabilang balikat.

"Are you going to sleep here?" May pakiusap sa kanyang tinig.

"I..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya napatingin ako kay Devone na nasa likod niya, nakatayo sa bukas na pinto. "I don't know. Depende sa mommy mo kung papayag siya."

"Mommy, please?" Pakiusap ng bata sa kanya. Pinagsiklop pa nito ang mga kamay sa ilalim ng baba.

Napa-eye roll si Devone. "She can sleep on the couch." Saka ito tumalikod at iniwan na kaming dalawa.

"Yes!" Kulang na lang ay magtatalon sa tuwa si Hale sa narinig. "Baba, did you hear that?!" 

Napangiti na rin ako. Syempre gusto ko ring makatabi sa pagtulog ang anak ko... lalong-lalo na ang mommy niya.

Tumango ako sa kanya. "Magbibihis lang ako then saka ako babalik dito. Ayos lang ba 'yon, boss?"

Natawa siya sa tawag ko sa kanya. "Okay!" Sabay nag-thumbs up sign sa akin.

Ginulo ko ang buhok niya bago tumayo ng diretso. "Sige na, pumasok ka na sa loob." Sabi ko sa kanya. "I'll be back in twenty minutes." Dagdag ko ng hindi siya tumalima.

Sukat sa narinig ay pumasok na siya sa kanilang kuwarto. May ngiting napabuntong-hininga ako tsaka naglakad na patungo sa rented room namin. Magkatabi ang room na kinuha ni Huxley para sa amin.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now