Chapter 21 Jump then Fall

4.6K 377 423
                                    

"I like the way you sound in the morning. We're on the phone and without a warning. I realize your laugh is the best sound I have ever heard. I like the way I can't keep my focus. I watch you talk, you didn't notice. I hear the words but all I can think is we should be together." 


Yhael POV


"Ginawa niya 'yon?!"

Hindi makapaniwalang bulalas ni Santos habang nagpa-practice kami sa stadium ng MHS, umaga ng Sabado. Parehong off duty namin ng weekend kaya nagkaroon kami ng pagkakataong magkasama ngayong umaga.

"Oo nga, ang kulit!" Tugon ko sabay nag-shoot sa may three-point line.

Napapalakpak si Hale na sumama sa amin nang mai-shoot ko ang bola. Hinabol niya ito para pulutin.

"Iba din pala si Dr. Shannon." Nakangising komento niya. Nakatayo siya sa may free throw line. "Inimbita niya ang sarili niya para makikain sa inyo? Sana tinanong mo, 'Doc, wala na po ba kayong bigas sa bahay niyo? Ba't makikikain po kayo sa amin?'"

"Sira!" Natatawang reaksyon ko habang hinihintay ang bola na ipapasa ni Hale.

Noon ko napansin si Miss Thamarra na pumasok sa stadium, may practice yata ang cheering squad para sa nalalapit na Foundation day ng school. Si Miss Thamarra ang bagong choreographer ng cheering squad ng MHS.

"Psst." Agaw ko sa pansin ni Santos.

Agad naman siyang napatingin sa direksyon ko saka napanguso ako sa naglalakad na si Miss Tham-tham. Napasunod naman siya sa direksyong tinitignan ko. Natigilan siya sa pagsalo sana sa bola na ibabato ni Hale sa kanya at napatitig sa magandang babaeng bagong dating.

"Tito Ron, catch!"

Pero huli na ng maibato ni Hale ang bola. Natamaan sa gitna ng hita si Santos.

"Aw, shi-" Hindi niya itinuloy ang pagmumura dahil nasa harapan niya si Hale at alam niyang mapapagalitan kami ni Devone kapag nalaman niyang nagmumura ang sino man sa amin sa harap ng bata.

Napangiwi siya sa sakit habang takip-takip ng dalawang palad ang gitna ng mga hita. Nagtakip ng bibig si Hale habang tumatawa ng malakas. Tinignan ko siya ng makahulugan.

"I'm sorry, tito Ron!" Nawala nga ang tawa ni Hale pero nakangisi pa rin. "You catch the ball next time." Dagdag pa ng bata.

Nakangiting napailing-iling na lang ako.

"Tama ka." Napatalon ng ilang beses si Santos para iwaglit ang sakit. "Mana nga sayo 'to sa kalokohan!" Tukoy niya kay Hale.

"Sa susunod kasi, sa bola ka tumingin huwag sa ibang bagay!" Tukso ko sabay muling kinuha ang bola at nag-side step bago ito ishinoot sa ring.

"Baba, please teach me how to do that!" Sabi ni Hale ng pinulot niya ang bola.

"Sure, boss!" Nakangiting sagot ko.

Noon tumunog ang cellphone ko at sinagot ito mula sa suot na wireless earphones.

"Yes?" Bati ko sa sino mang tumatawag.

"Matagal pa ba kayo?" It's Devone. "Maggo-grocery pa tayo, di ba? Or I'll just go alone?" May inip sa tinig niya.

"Uuwi na po, love." Sagot ko. "Pakihintayin na lang kami sandali."

Napabuntong-hininga siya mula sa kabilang linya. "Okay." Agad naman niyang tugon bago ibinaba ang tawag.

"Hale, let's go!" Aya ko sa kanya.

Ibabato na naman sana niya ulit kay Santos ang bola pero agad na nasalo ito ng huli. Tumatawang nagtatakbo si Hale sa akin. Loko-loko din ang batang 'to e!

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now