Chapter 11 Untouchable

7K 461 343
                                    

"Untouchable, burning brighter than the sun. And when you're close, I feel like coming undone. In the middle of the night, when I'm in this dream. It's like a million little stars spelling out your name. You gotta come on, come on. Say that we'll be together. Come on, come on. Little taste of heaven." - Untouchable, Taylor Swift


Devone POV


"Ako na."

I heard Yhael offer when she saw that Huxley seemed to be struggling with carrying the bag she was going to take to the resort.

"Thanks," Huxley replied with a wide smile.

Ngumiti lang ng tipid si Yhael sa kanya. Kanina ko pa napapansin na parang matamlay siya at tahimik. Binuhat na niya ang lahat ng kakailanganin namin at dinala ang mga ito sa likod ng pickup truck na sasakyan namin papunta sa resort. Doon na kami magkikita-kita nina Chantal at Santos.

Binuksan niya ang backseat at pumasok doon sina Huxley, Davian at Dominique. Pagkatapos ay ako naman ang pinagbuksan niya sa fronseat.

"Are you okay?" Sabay napahawak sa pisngi niyang tanong ko ng hindi muna ako pumapasok sa loob ng sasakyan.

Ngumiti siya n tipid sa akin. "I'm fine." Tipid lang din niyang sagot. Pero mahahalata naman sa mga mata niyang nagsisinungaling siya.

"Sure?" Paniniguro ko.

Tumango siya bilang tugon.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Chineck muna niya ang lahat kung okay na bago siya nagsimulang magmaneho. Abalang nagkwe-kwentuhan ang tatlo naming kasama sa likod habang nasa biyahe na kami patungo sa resort. Lihim akong napapasulyap kay Yhael. She remained quiet throughout the trip.

Nang makarating kami sa resort ay tinulungan siya ni Santos na maibaba ang mga gamit namin.

"Mommy, where's my iPad?" Davian asked me as soon as we were settled inside the nipa hut we were in. Dito na kami manananghalian.

"Oh!" I exclaimed in surprise. "I'm sorry I forgot it at home."

Agad na nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. "Mommy!"  Nagsimula na rin siyang magmaktol. "Why did you forget my iPad!"

"What's wrong?" Lumapit sa amin si Yhael ng mapansing nagmamaktol si Davian.

"Mommy forgot to bring my iPad." Sumbong niya kay Yhael.

"Balikan na lang natin." Suggestion ko kay Yhael.

"Okay sige." Sagot niya. "Sige na, huwag ka ng magmaktol diyan. Pumapangit ka o!" She gently poked Davian's left cheek. "Sige ka, magiging kamukha ka na ni Santos kapag sumimangot ka diyan." Dagdag niyang biro sa bata.

"Baba!" Nakangusong reklamo ni Davian.

Natatawang hinalikan siya ni Yhael sa pisngi bago kami nagpaalam sa mga kasama namin na babalik sa bahay para kunin ang naiwang iPad ni Davian. Tahimik na naman siya sa buong bihaye pabalik ng bahay. 

"Are you sure you're alright?" Muling tanong ko.

Nagbaling siya ng tingin sa akin. Napabuntong-hininga siya. "Devone..." Sambit niya. "Never mind." Muli na naman siyang napabuntong-hininga.

I did not push. She's not fine and it's obvious. I have a hint as to why she's acting like that but I don't want to talk.

Inihinto niya ang sasakyan sa driveway. Tinulungan niya akong mag-unlocked ng seatbelt, siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin ng hindi bumababa.

"Hintayin na lang kita dito." Sabi niya.

Tinapunan ko lang siya ng tingin bago bumaba ng sasakyan. Pero imbes na sa bahay ako magtungo ay sa tapat ng kinauupuan niya ako dumiretso. Kumatok ako sa bintana ng sasakyan. Dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana sa tapat niya.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now