Chapter 5 Daylight

6.4K 495 489
                                    

"I don't wanna look at anything else now that I saw you. I don't wanna think of anything else now that I thought of you. I've been sleeping so long on a twenty-year dark night. And now I see daylight, I only see daylight." - Daylight, Taylor Swift


Yhael POV


Silence... a deafening one... but it is not actually the absence of sound, rather it is the presence of everything that the sound cannot express.

Lumapit ang waiter na nagbigay ng maiinom namin ni Devone habang magkaharap na nakaupo sa pangdalawahang lamesa sa semi-formal resto, dito rin sa mall kung saan kami nagkita.

"Thank you." Sabay pa naming sabi sa waiter dahilan para magtama ang aming mga mata at matigilan.

Magalang na nagpaalam ang waiter sa amin bago kami iniwan. Nasa di kalayuang lamesa naman sina Huxley, ang tita niyang si Mrs. Manzano na kulang na lang ay lumuwa ang mga mata sa kakatitig sa akin, at si Hale or Davian na hindi rin maalis-alis ang tingin sa akin saka ngingiti ng malawak sa tuwing mahuhuli ko. Buti na lang at binigyan nila kami ng chance na magkausap ni Devone.

Napatikhim ako. "You look young." Komento ko. "It's like you haven't aged at all. Have you already found the fountain of youth?"

Tinignan lang niya ako tsaka parang may pag-irap na kinuha niya ang baso para uminom gamit ang drinking straw.

Did I say something wrong? Shit.

Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong itanong. Una na ang tungkol sa bata... ang kasal niya kay Genesis... damn!

Napatingin ako sa kaliwang kamay niyang nakahawak sa baso. Napakunot-noo ako ng mapansin ang suot niyang singsing. Kagaya ito ng wedding ring namin noon. 'Yong akin itinago ko...

Wala sa sariling natawa ako ng mapakla. Kailangan ba talagang pareho pa kami ni Genesis ng singsing na isinuot sa daliri niya? Fuck!

"Congratulations -"

"How's married life -"

Sabay na naman naming bigkas. Natitigilan na namang nagkatitigan kami. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Napakuyom ang mga kamao ko sa ilalim ng lamesa. Kung hindi ko gagawin ito ay baka mahablot ko ang kamay niya at mahila siya para yakapin ng mahigpit.

"Devv." Bigkas ko na agad niyang ikinaangat ng tingin. "Bakit ako tinatawag ng bata na 'Baba'?" Lakas-loob kong tanong. "Bakit? Sa akin ba siya?"

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig sa narinig. Kapagkuwa'y nag-isang linya ang kanyang labi at halos magsalubong ang kanyang kilay. Tumayo siya mula sa kinauupuan at tumalikod tsaka nagmamadaling naglakad papalapit sa kinaroroonan ng mga kasama namin.

"Devone, sandali!" Habol ko.

"Ma'am, 'yong bayad niyo ho." Ngunit hinarang ako ng waiter na nag-serve sa amin kanina.

Mabilis akong humugot ng pera mula sa wallet habang nakatingin kina Devone na palabas na ng resto.

"Keep the change." Sabi ko saka halos patakbo ng sumunod sa kanila. "Ba't di mo sinundan?" Sabi ko kay Huxley ng makalapit ako sa kinatatayuan niya.

Napangiwi siya. "She seems mad." Sagot niya. "Ayokong mapagbuntunan, Yhael."

Napapalatak ako saka nagmamadaling hinabol sina Devone. Buti na lang at mukhang nagmamaktol si Hale kaya napabagal ang paglalakad nila.

"Davian!" Bigkas ni Devone ng tila ayaw sumunod sa kanya ng bata.

"No, mommy! I want to be with Baba!" Giit nito.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now