Chapter 26 How You Get the Girl

4K 359 220
                                    

"Don't fall in love with someone who says the right things. Fall in love with someone who does the right things."


Yhael POV


"Good morning, Dr. Shannon!" Masiglang bati ko sa kanya the following day, baka sakaling maganda na ang mood niya ngayon.

Ngunit wala pa rin. Hindi pa rin niya ibinabalik ang pagbati ko. Ang seryoso pa rin ng kanyang mukha. Haist, kung si Huxley kaya babati dito? Magbabago kaya? Tsk.

"Mandatory meeting." Sabi niya habang nakatingin sa hawak na cellphone.

"Ha?" Hindi ko yata masyadong naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"All residents and nurses." Tugon niya saka tumalikod.

"Dr. Shannon -"

"Halika na!"

Akma ko na sana itong hahabulin ng hinawakan ako ni Chantal sa braso at hinila patungo sa Doctors lounge. Doon gaganapin ang meeting. Hindi ko alam kung para saan o kung ano ang pag-uusapan.

Nandoon na ang lahat ng Resident Doctors at nurses. May isang babaeng may katabaan, kulot ang buhok at naka-business attire ang nakatayo sa bandang harapan, may hawak itong wireless pointer. Nasa bandang gilid din sa harapan si Dr. De Vera kasama si Mrs. Chua.

Maraming tao na sa loob at kulang ang upuan kaya nakatayo na lang kami nina Chantal, Dr. Sanchez at Santos sa likod kasama ang iba pa. Nasa first year residency lang din pala ni Santos para sa pagiging Radiologist Doctor. Si Dr. Sanchez yata ay second year na niya.

"Good morning everyone." May ngiting bati ng babaeng Presenter.

Ngiting-ngiti siya sa amin na parang isang Auto Sales Representative na tipong binobola ang customer at dinadala sa matamis na ngiti at salita para makabenta.

"We're here today to talk about reimbursements." Patuloy niya. "No one's favorite part of the day, right?" Sabi niya. "Now, to simplify, Doctors and nurses at MGH need to charge more per procedure."

Napaikot ang mga mata ko nang mapagtantong tungkol na naman ito sa pera. Nagkatinginan kami nina Santos at Chantal.

"Welcome to Healthcare 101." Sabi ni Shan.

Nakaangat ang gilid ng labing napailing-iling kami ni Santos.

"For example, ear infection." Pagpapatuloy ng Presenter. "Typically billed to insurance as service code one at about more or less ten thousand pesos." May ipinakita siya sa projector. "But what if that ear infection took a trip to the brain? That's now code four. Serious. Costly. We can bill in the thousands, right?"

Ngiting-ngiti si Mrs. Chua sa gilid habang nakahalukipkip na napapatango-tango sa sinasabi no'ng presenter. Halatang gustong-gusto niya ang naririnig.

"Illness is unpredictable, so billing must be proactive. It's called upcoding." At muling may ipinakita sa screen ng projector.

Haist... mga ibang Directors nga naman ng hospital, ginagawang gatasan ang mga pasyente kung minsan. Nakakaawa... hindi lang nila alam na 'yong iba nangungutang na o kung ano-ano na ang ibinebenta makapagpagamot lang. Umaasang gumaling at mapahaba pa ang buhay... tsk. Ito ang kadiliman sa likod ng ibang hospitals na hindi alam ng karamihan sa mga pasyente.

"Dr. Shannon -"

"Rosario in 2417?"

Nagtatanong siya ng mga updates sa mga pasyenteng hinawakan ko kahapon at ngayon. Kakatapos lang ng meeting.

"Catheter out and discharge." Tugon ko habang mabilis na sumusunod sa kanya.

Ang bilis niyang maglakad habang bumababa ng hagdan. Tipong parang may hinahabol. Nakasuot lang siya ng blue scrubsuit ngayon.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now