Chapter 1 Back to December

6.7K 437 302
                                    

"If you promise to love, trust, respect, support, and stand by someone no matter what, do not just speak those words when times are good. Live those words when challenges arise. The stronger the love and commitment, the more unbreakable the bond. United hearts will never be easily divided."


Yhael POV


"Doctor Lucas?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin mula sa pagtingin sa cellphone na hawak ng marinig ang tinig na iyon. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng makita si Zara ng tumigil sa mismong harapan ko ang kinasasakyan niyang kotse.

"Are you waiting for your ride?" Nakangiting tanong niya.

"Hey!" Tumayo ako mula sa kinauupuan, dito sa waiting area at pumasok sa loob ng kotse.

Agad niya akong ginawaran ng mabilis na halik sa labi ng makaupo ako at makapag-locked ng seatbelt. Ngumiti ako sa kanya ng bumalik siya sa kinauupuan.

"Where are you taking me?" I asked.

I met Zara a year ago in the cafeteria she owns. She was born and raised in Ireland but her parents are British. She has moved to London, seemingly to enjoy a slower style of life.

Napatingin siya sa akin bago nagpatuloy sa pagmamaneho. "This is your last night in London so I'm planning to make the most out of your time."

"Is that so?" Napapatango-tangong bigkas ko. "Alright, surprise me then!"

Masayang nagtungo kami sa kung saan man niya ako balak dalhin.

Wala naman talaga kaming relasyon ni Zara. I mean, we never made it official. We dated a few times, simply enjoying each other's company until we just got used to doing it as if it were routine. 

She took me to her place. This is my first time to be here, to be honest. It is an open-space one-bedroom apartment. It's nice and comfy though I don't like the dim lights. Mas gusto ko 'yong maliwanag na bahay. 'Yong tipong hindi ka nagtitipid ng kuryente.

Or did she do it on purpose to make the ambiance romantic? 

"Wow." Reaksyon ko ng makita ang ilang nakasabit na paintings sa dingding sa kanyang living room. "This is good." Tukoy ko sa isa sa mga paintings na alam kong siya ang may gawa.

She's an artist... a painter.

Pinipilit nga niya ako noon na maging subject niya pero ilang beses ko itong magalang na tinanggihan. Isa pa, busy ako sa medical school. Paghuhubarin niya ako ng ilang oras habang nakatayo? Nakakangawit kaya 'yon!

"Do you like it?" Tumabi siya ng tayo sa akin habang pareho kaming nakatitig sa painting na hindi ko alam kung babae ba o lalake na nakatalikod, hubad ito kaya kitang-kita ang pang-upo.

"Yes." Sagot ko saka lumingon sa kanya.

"You can have it if you want." Saad niya bago naglakad patungo sa naka-set na table for two sa kanyang balcony habang may hawak na bottled wine sa isang kamay.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakasunod sa kanya.

Alam ko kasi kung gaano kamahal niya ito ibenebenta and now she's giving it to me for free?

"Uhum." She nodded twice in response.

Naupo kaming dalawa sa harapan ng lamesa. Sinalinan niya ang baso ko ng wine.

"Did you prepare all of these?" Tukoy ko sa mga nakakatakam na pagkain sa pagitan namin.

"Uhm... yes and no." Pag-amin niya. "I ordered most of it at Purnell's." Tukoy niya sa isang restaurant na ilang beses din naming napuntahan.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now