Chapter 29 False God

4.5K 367 398
                                    

"Maybe love at first sight isn't what we think it is. Maybe it's recognizing a soul we loved in a past life and falling in love with them again."


Devone POV


"Mauna na lang kayong pumunta sa resto, tulog pa si Yhael." Sabi ko sa mga kasama namin na abala ng naghahanda para sa pagpunta nila sa resto na malapit lang naman dito para kumain ng pananghalian. Lalakarin nga lang nila.

"Will you be fine?" Dominique asked me.

"Yes," I replied with a small smile.

"Oh, my God!" Sabay napatakip sa bibig na bulalas ni Dom habang nakatingin sa kaliwang kamay ko. "Did Yhael propose to you?!" Dagdag niya. "Let me see!"

May ngiting ipinakita ko sa kanya ang singsing na bigay sa akin ni Yhael kanina. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. She is really fond of surprises.

"Oh!" Masayang-masayang bulalas ni Dom. "This is so beautiful, oennie!"

Nagsilapitan na sa amin ang iba pa naming kasama.

"Congratulations!" Sabay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you, Dom." Masaya ding tugon ko.

Binati rin ako nina Chantal at Thamarra. Tuwang-tuwa rin si Huxley sa balita. Pero alam kong alam nito ang gagawin ng kapatid. Nagkukunwari lang itong nasorpresa.

"Congrats, ma'am!" Sabay yakap na bati sa akin ni Santos. "Kailan ang kasal?"

"Thank you. We haven't talked about that yet." Sagot ko.

"Congratulations." May tipid na ngiting bati ni Doc Shannon sa akin saka bahagyang niyakap. "You're lucky..." Saad niya ng kumalas siya ng yakap sa akin. "I mean, you're both lucky to have each other. Don't ever let her go."

"Thank you, Dr. Shannon." May ngiting tugon ko sa kanya.

I don't know but I have a feeling that she likes Yhael. Because the way she stares at my wife sometimes has a different 'spark'? I'm not sure. I know it's wrong to be suspicious of others, especially if they're not doing anything wrong.

Pinasama ko na si Davian sa kanila. Sinabi ko ditong susunod kami ng Baba niya kapag nagising na.

Inayos ko muna ang mga gamit namin sa closet nang pumanhik ako sa kuwarto na ginagamit namin habang hinihintay na magising si Yhael. Pero tapos na ako't lahat tulog pa rin siya. Pagod na pagod siguro.

Anong oras na ba natapos ang shift niya kagabi? Then ang aga pa naming gumising at nagmaneho pa siya ng ilang oras papunta dito. She must be really exhausted.

Kinuha ko muna ang librong balak kong basahin kaso hindi ako nagkakaroon ng oras kaya naisipan kong dalhin ngayon at naupo sa kama pasandal sa headboard. It's entitled Siddhartha  by Hermann Hesse. It's a classic tale of a young prince who renounces his worldly possessions and seeks out spiritual enlightenment.

Halos kakatapos ko pa lang basahin ang isang chapter ng marinig ko ang mahinang pag-ungol ng protesta ni Yhael. Ibinaba ko muna sa ibabaw ng bedside table ang binabasang libro at hinintay siya hanggang sa tuluyang magising.

"Anong oras na?" Pupungas-pungas niyang tanong saka naghikab na nagkukusot ng mata.

"It's two fifteen in the afternoon." Tugon ko.

"Ha?" Mabilis siyang bumangon. "Nakakahiya naman! Baka gutom na gutom na ang mga kasama natin."

"Pinauna ko na silang kumain diyan sa malapit na resto. Sinabi ko na lang na susunod tayo." Sabi ko.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now