Chapter 22 I Did Something Bad

4.7K 374 514
                                    

"Love and hate are the same feelings experienced under different circumstances. The passion is the same. The pain is the same."


Yhael POV


"Uhm, Doc Shannon -"

Mukhang hindi ako nito narinig dahil bigla na lang itong naglakad sa gilid ng lamesa. Ang takong nito ay gumagawa ng ingay sa tahimik na paligid. Naglakad siya hanggang sa malagpasan niya si Santos... tsaka si Chantal... at umikot hanggang sa tumigil malapit sa kinauupuan ni... Huxley!

"I didn't know that I would find you here, Miss Entitled Bitch." Bigkas niya habang nakatingin sa kapatid ko.

Napalunok ako nang mabagal na tumayo mula sa kinauupuan si Huxley ng hindi tinatanggal ang tingin kay Dr. Shannon. Lalo na noong magtapat sila dahil halos magkasing-tangkad lang silang dalawa. O dahil sa suot nilang mga heels? Nagkasukatan sila ng tingin. Pakiramdam ko anumang oras ay magkakagulo.

"Hmm... small world indeed, Miss Obstreperous." Ganti ni Huxley.

Napahalukipkip si Dr. Shannon sabay inilipat ang bigat sa isang paa. "Obstreperous?" Pag-uulit niya sa sinabi ni Huxley. "Such a sophisticated insult." Dagdag niyang komento na bahagyang nakaangat ang gilid ng labi. "Why, are you the type who likes to control other people and you find me difficult to control with? Sorry to burst your bubbles, babe, but I'm not as submissive as you think. Neither a meekly obedient. So try me."

Napaangat din ang gilid ng labi ni Huxley. "You forgot the other meaning, sweetheart." May sarcasm sa tinig niya. "Aggressive noisiness." Dagdag niya. "Like a banging of a hammer or a car's horn. It is so noisy that even a dosimeter can't measure."

Dr. Shannon broke the silence with a snicker that went around the room. "Hmm... smart mouth."

Huxley gave a mocking smile. "Why, thank you." May pang-aasar sa tinig niya.

Sa sobrang tahimik ng paligid, nakakahiya na tuloy huminga o gumalaw sa kinaroroonan. Parang ang unang gagalaw ay siyang taya. Ang kapal din ng tensyon sa dining room. Para itong madilim na ulap na naglalaman ng ulan na anumang oras ay kukulog at babagsak sa aming lahat na nandito.

"Anyways, since you're a guest," Basag ni Huxley sa katahimikan. "You deserve to be treated well." Huxley extended her right arm for a handshake. "And I want you to know that this Entitled Bitch has a name." May sarcasm pa rin sa kanyang tinig. "Atty. Huxley Lucas." Pakilala niya sa sarili.

Napatingin si Dr. Shannon sa kamay ni Huxley saka ulit nag-angat ng tingin sa mukha niya. "A lawyer." Napaangat na naman ang gilid ng labi ni Doc Shannon. "Your sister, Dr. Lucas?" Tanong niya ng hindi lumilingon sa akin.

Bahagya akong siniko ni Devone nang may katagalan akong hindi sumasagot. "Y-yes." Nautal pa ako. Bakit ba ako ang kinakabahan sa dalawang 'to?

Parang nakakatakot kasing sumali sa usapan nilang dalawa na halos hindi na inaalis ang tingin sa isa't isa.

"Dr. Amber Shannon." Pakilala ni Dr. Shannon sa sarili pagkatapos saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Huxley. "Maybe we can talk now about the little mishap that happened this morning." Saad pa niya nang bitawan ni Huxley ang kamay niya.

"I don't think this is the right time and place to discuss that. You're here to eat good food, aren't you?" Tugon ni Huxley sa kaparehong tono na ginamit no'ng isa.

Muli na naman silang nagkasukatan ng titig. Muli akong siniko ni Devone sabay mosyon sa akin na mamagitan na sa mga ito bago kung saan pa mapunta ang kanilang 'tahimik' na sagutan. Tipong let's insult each other in a modest way. Tsk.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now