Chapter 15 Bigger than the Whole Sky

5.8K 374 235
                                    

"Life is a series of events, where we cross paths with several people. Some are special and some stay with us forever. A lot of us believe that meeting our soulmate is predestined and everything is written in our fate. A lot of the coincidences may actually have a deeper meaning by the universe."


Yhael POV


"O, huwag magpapasaway sa school, okay?" Bilin ko kay Hale ng inihatid namin siya ni Devone sa school, araw ng Lunes.

"Yes, Baba!" Masiglang sagot niya. "Come with me, Baba. I would like to introduce you to my classmates." Hinila niya ang kamay ko. "For sure, they're all excited to meet you!"

Napatingin ako kay Devone na nakatayo malapit sa kotse. Nakangiting tumango siya sa akin.

"Come on!" Excited na bigkas ni Hale saka ako hinila papasok sa gate ng international school na pinapasukan niya.

Sumunod din naman sa amin si Devone. Hila-hila ni Hale ang kamay ko na nagpunta kami sa classroom nila.

"Guys!"

Nagkatinginan kami ni Devone ng may kalakasan siyang nagsalita sa loob ng kanilang classroom ng madatnan namin ang mga kaklase niya doon. Mukhang wala pa ang kanilang guro.

Napatingin sila sa amin. May tatlong batang babae ang lumapit agad kay Hale. Binibigyan nila ang anak namin ng candies and chocolates. Napaikot ang mga mata ni Hale ng tinanggap niya ang mga ito at iniabot kay Devone.

"Do you believe me now, mommy?" Sabi niya kay Devv.

Nakangiting napatingin ng makahulugan sa akin si Devone na parang sinasabi nitong alam na kung kanino nagmana ang anak namin.

"I would like you all to meet my Baba!" Sabay hinila ako patungo sa harapan ng klase. "She's a Doctor! She can create a makeshift stethoscope and improvised explosive bomb!"

Napangiwi ako sa huling sinabi ni Hale ng makita ang nananaway na tingin ni Devone sa akin. Paano, naikwento ko sa kanya minsan na noong tumakas ako sa bahay namin ay gumawa ako ng improvised bombs. Ito ngayon ang inihahayag niya sa buong klase.

"Really?!" Namimilog ang mga mata ng mga kaklase niya.

"Yes!" Mayabang na sagot ni Hale. "She saved a man's life in my mom's school last week!"

"Doctor, doctor!" May lumapit sa akin na batang lalake. Singkit ang mga mata nito. Ang cute ngumiti dahil parang wala na siyang mata pag gano'n.

"Yes?" Tugon ko sabay bahagyang yumuko.

"Can you teach us how to make an explosive bomb?" Tanong niya.

Natawa ako ng marahan saka unti-unting napapakamot sa kilay. "I'm sorry but I think that's not possible." Tugon ko dito sa malumanay na tinig.

Nalukot agad ang mukha ng mga kaibigan ni Hale. "Why not, doctor?" Isa-isang tanong nila.

"Because it's not safe." Sagot ko.

Isa-isa akong nakarinig ng reklamo. Tsk, mukhang mapapasubo ako ng wala sa oras! Haist...

"But..." I interjected. Agad silang natahimik ng magsalita ako. "I can teach you how to make a stinky bomb." And smiled mischievously at them.

Nagkagulo na sila at nag-unahan na sa paglapit sa akin at pagtatanong kung paano gumawa ng stink bomb. Napahalukipkip si Hale sa tabi ko habang nakaangat ang gilid ng labi.

Buti na lang at dumating na ang guro nila, may dahilan na ako para makaalis. Sinabi ko na lang sa mga batang sa susunod na lang at i-keep itong secret na agad naman nilang sinang-ayunan.

Destined to be Yours Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon