Chapter 32 Bye Bye Baby

4.3K 352 272
                                    

"The more trust that exists in a relationship, the more you look out for each other. You have your beloved's back, and vice versa."


Yhael POV


"Devv," Malungkot na sambit ko. "Please, talk to me."

Nananatiling nakatalikod lang siya sa akin at kunwaring inabala ang sarili sa paghahalo sa niluluto. Himalang hinayaan ako ni Doctor Shannon na mag-12 hours shift lang kaya maaga ako nakauwi ngayon.

"Devone." May pakiusap sa tinig ko.

Napansin ko ng sumenyas si Huxley kina Dom at Hale na lumabas muna sila ng kusina at iwan kaming dalawa.

Marahas na napabuntong-hininga si Devone ngunit wala pa ring imik. Nagpasya kasi akong sabihin sa kanya kaninang umaga ang tungkol sa pag-uwi ko sa Cebu this weekend. Sinabi ko rin ang tungkol kay Lilith at sa gustong mangyari ni Daddy.

"Devv -"

"What do you want me to say, Yhael?" Sabay pumihit paharap sa aking sagot niya. "You have already decided." Saka napahalukipkip na napasandal sa countertop.

Mabagal akong napabuntong-hininga. "Love..." May panunuyo sa tinig na lumapit ako sa kanya. "Ginagawa ko 'to para protektahan kayo."

"The last time you went home in Cebu, you never made it back." Noon ko nakita ang takot sa kanyang mga mata.

Naglakas-loob akong lumapit sa kanya at tumayo sa harapan niya. "Nandito naman na ako, di ba?" Sabi ko. "At kung gusto ko talagang tumakas, makakaalis ako doon sa ayaw at sa gusto ni Daddy." Pagpapanatag ko sa kanya. "Lalo na ngayong magkakaroon na ulit tayo ng baby."

Napatitig siya sa akin. "Yhael!" Sabay napatakip sa mukhang bigkas niya.

"Love." Marahan ko siyang kinabig at niyakap. "Wala ka bang tiwala sa magandang-poging asawa mo?" May halong birong tanong ko. "Alam mo namang maraming naghahabol sa akin kaya hindi na nakapagtatakang - ahh!"

Bigla ba naman niya akong kinurot sa tagiliran! Ang sakit!

"Devv!" Napugto yata ang hininga ko sa pagpilipit niya sa laman sa tagiliran ko. "Devone, tama na! Aray!" Impit na sigaw ko.

"Kailan ka ba magseseryoso?" Nakasimangot na tanong niya.

"Ngayon na! Ngayon na! Promise!" Naiiyak na ako sa sakit.

Tinaasan niya ako ng kilay. "And what are you going to do with Lilith?" Para siyang si Miss Davis noon na pinalabas si - ano na nga ulit ang panaglan no'n? Ah basta 'yon! "Isang maling sagot tatapusin ko ang kaligayahan mo." Banta niya.

"Dump her!" Sagot ko.

"Dump her?!" Pag-uulit niya. "You only dump someone if you are dating her or you're in a relationship!"

"Sorry, wrong choice of word!" Mabilis na bawi ko. "Please, love." Pakiusap ko.

Binitawan niya ako ngunit ang talim naman ng irap na ipinukol niya sa akin. Saka ako siniko!

Aray ko naman! Iniisip ko na talaga na sa akin siya naglilihi!

"Lucas!"

Nagbaling ako ng tingin sa kanya. Argh! Head shot! Binato niya ako ng ubas sa noo!

"Sa susunod hindi ka na diyan tatamaan kapag hindi ka umuwi dito." Banta niya sabay tumalikod at lumabas ng kusina.

Napapangiwing isinubo ko na lang ang ubas na ibinato niya sa akin. Sayang.

Hindi pa alam ni Hale na aalis ako. Kaya naman kinausap ko siya ng gabi ng Biyernes.

"Why are you going to Cebu, Baba?" Tanong niya.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now