Chapter 8 22

6.5K 462 324
                                    

"Real love prefers compromise over conflict because it understands that the end goal is peace."


Yhael POV


Napatingin ako sa suot na relo. It's six O seven in the morning. Medyo maliwanag na sa labas.

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang bumabalik ang isip ko sa mga nangyari kagabi. Nagtampo si Hale dahil nasabi ko sa kanyang hindi pa ako makakauwi sa kanila ng kanyang mommy. It's been three days since the last time I saw them in person. Miss na miss ko na sila.

"Ma'am, nandito na po tayo."

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan ng marinig ang sinabi nito. Huminto ang kinasasakyan kong taxi sa harap ng malaking bahay.

Bumaba ang driver ng taxi para buksan ang trunk sa likod at maibaba ang mga gamit ko. Bumaba na rin ako mula sa backseat. Inilabas ko ang wallet para kumuha ng pera bilang pamasahe.

"Magkano ho?" Tanong ko sa may katandaan ng driver.

"One hundred twenty-seven ho lahat." Sagot nito ng maibaba ang dalawang malalaking maletang dala ko.

Naglabas ako ng dalawang one hundred peso bills at ibinigay sa kanya. "Keep the change po." May tipid na ngiting sabi ko.

"Naku, maraming salamat po!" Parang nahihiyang sabi nito.

Tumango ako sa kanya bilang tugon ng magpaalam na ito. Naiwan akong nakatayo sa harapan ng mataas na bakod na rehas. Lumapit ako sa buzzer at pinindot ito ng may katagalan. For sure gising na 'yon. Maaga siyang gumigising para maghanda sa trabaho. Muli ko itong pinindot ng may katagalang walang nagbubukas ng pantaong gate.

Nang mapansing bumukas ang main door ng malaking bahay ay agad akong nagtago sa Corinthian post dito rin sa gate. May pilyang ngiti sa labi ko habang nakatayo sa likod ng malaking poste.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pag-ingit ng lock nito mula sa loob at ang pagbukas ng pantaong gate.

"Good morning, Mrs. Lucas!" Kasabay ng paglabas ko mula sa pinagtataguan ay ang pagbati ko kay Devone na halatang kakagising lang.

Hindi siya agad nakahuma. Parang namamalik-mata pa itong napakusot sa mga mata.

"Yhael?"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Yes, love. It's me!" Sabay inilahad ang mga braso dito.

May pag-aatubiling lumapit siya sa akin saka niyakap. "It's really you!" Parang hindi pa rin makapaniwalang bigkas niya.

"Wala ng iba." Niyakap ko siya ng mahigpit. Napapikit ako ng sa wakas ay mayakap ko na siya at maramdaman ang init na nagmumula sa kanyang malambot na katawan.

Kumalas siya ng yakap sa akin pagkatapos. "Kanina ka pa ba?" Tanong niya saka napasulyap sa mga gamit ko sa likuran ko.

"Hindi naman." Sagot ko sabay hinawi ang ilang hibla ng buhok sa kanyang pisngi.

"Let's get you inside." Aya niya.

"Ako na." Sabi ko ng akma niyang hihilahin ang isang maleta ko.

Hila-hila sa magkabilang kamay ang mga maleta ay naglakad ako kasunod niya papasok sa bahay.

"Pwedeng dito na muna ang mga 'to?" Tanong ko sa kanya sabay mosyon sa mga gamit. "Kanina pa ako nagugutom." Dagdag ko.

"Sige, iwan mo na lang muna diyan. We'll attend to it later." Tugon niya.

Iniwan ko muna sa living room ang mga gamit, kasama na ang itim na crossbody bag na dala ko.

"Ang aga mo naman." Narinig kong komento niya habang naglalakad kami patungo sa kusina.

Destined to be Yours Book 2Where stories live. Discover now