Chapter 19 Clean

5K 349 333
                                    

"You'll never know how strong your heart is until you learn to forgive who broke it."


Yhael POV


"I heard what you did to Mr. Caraig."

Sabi ni Dr. Shannon nang lumapit siya sa akin habang naglalakad ako sa hallway patungo sa isa pang pasyente namin. Si Kristal. 'Yong batang babae na dinala sa ER kahapon na may sakit na cancer. Narinig kong nagkamalay na siya kagabi.

"You made the right call." Sabay tinapik ako sa balikat. "You like?" Sabay alok sa akin ng kinakain niyang gummy bears.

"No, thank you." Magalang kong tanggi. "Hindi ako mahilig sa sweets."

"Hmm..." Napatitig siya sa akin. "I'll keep that in mind."

Saglit lang akong napasulyap sa kanya. "Taga-saan ka nga pala?" Naisip kong tanong.

"Mars." Pilosopo niyang sagot.

Napaangat ang gilid ng labi ko. "No wonder, ang hot mo. Malapit ka pala sa sun." Ganting biro ko.

Napaangat ang kanyang kilay sa sinabi ko. "Am I?" Tanong niya.

Naguguluhang nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Ang alin?" Clueless na tanong ko. Ako yata ang biglang nalito sa usapan.

Napatirik ang kanyang mga mata. "Never mind." Sabi niya. "I've read your profile." Pagbibigay-alam niya.

"Why?" Kunot-noong tanong ko.

"Duh! Because you are under my department!" Mataray niyang sagot. "Of course, I have to know my people."

Napatango-tango na lang ako.

"I didn't know you're married." Patuloy niyang saad.

"Yes." Mabilis na sagot ko. "I am married to the most beautiful and amazing woman I have ever met." Proud na dagdag ko na may ngiti sa labi. "And we have a bright and wonderful son."

"Hmm..." Reaksyon niya habang papasok kami sa loob ng private room ni Kristal. "Nothing lasts forever." Bulong niya saka napaikot ang kanyang mga mata.

"What?" Natigilan ako sa sinabi niya at hinarap siya.

Napangisi siya sa akin. "Just kidding." Tugon niya. "After you check on Kristal, you can take a lunch break."

Hindi ako agad nakakibo. "Okay." Tipid kong tugon.

May nurse na sumunod sa amin ni Dr. Shannon. Mukhang masigla na kahit papaano ang bata.

"Her white blood cell count is improving." Sabi ni Dr. Shannon sa mga magulang ni Kristal habang chine-check ang stats ng bata. "But still a bit lower than we'd like to see."

"I wanna go home." Sabi ni Kristal habang nakaupo sa gitna ng kama.

"You need to stay here a little longer." Sagot ni Dr. Shannon sa kanya.

"Doc, kailan siya pwedeng makauwi?" Tanong ng mama ni Kristal kay Dr. Shannon.

"I can't say when." Diretsahan niyang sagot. "Her immune system is still badly compromised. She could easily get another infection outside."

"But I want to see Mowie." Giit ng bata.

"Who's Mowie?" Kunwaring curious kong tanong sabay naupo sa gilid ng kanyang kama.

"My dog." Proud na sagot ng bata.

"Hmm..." Kunwari akong napaisip. "You can see Mowie again soon. Pero sa ngayon, kailangan mo munang magpalakas para makalaro mo na siya pag-uwi mo sa bahay ninyo." Sabi ko sa malumanay na tinig. "If we let you go now, there's a great possibility you end up back in the ER again. That's a huge risk." Dagdag kong paliwanag. "Mas lalong matatagalan bago mo makita si Mowie pag nagkataon."

Destined to be Yours Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon