Chapter 18 Better than Revenge

5K 373 220
                                    

"Dear friends, never take revenge. Leave that to the righteous anger of God. For the Scriptures say, 'I will take revenge; I will pay them back,' says the LORD."


Yhael POV


"Yhael." Sabay marahang yugyog sa balikat ko. "Yhael, wake up."

Isang ungol ng protesta ang kumawala mula sa lalamunan ko. Nakapikit ang mga matang hinapit ko sa tabi ko si Devone.

"Lucas, you have to wake up now." Panggigising niya sa akin. "Or else you will be late on your first day at work."

"Hmm..." Ang tanging naging reaksyon ko. "What day is today?"

"Tuesday?" Patanong niyang sagot. "Come on, lazy-bones." Pinisil niya ang ilong ko.

"Anong oras na ba?" Pinilit kong iminulat ang aking mga mata. Ang maganda niyang mukha ang una kong nabungaran kaya agad na sumilay ang ngiti sa labi ko.

"It's exactly five in the morning." Sagot niya na saglit napasulyap sa digital clock sa bedside table na nasa tabi ko saka napatingin sa akin.

Dinampian ko siya ng halik sa labi. "Good morning, misis ko."

"Good morning, love." Saka siya napakagat sa labi para pigilan ang pagngiti.

"Did you have fun last night?" Tanong ko.

"You mean on our first date?" Dugtong niya. "Yes, it was wonderful. My date was superb."

"Was?" I quote. "And how about after the date?" Makahulugang tanong ko.

"Magical." Nakangiti niyang sagot.

"Really?" Napapangiting bigkas ko sabay umiba ng pwesto at dinaganan siya.

"Uhum." She replied. "Yhael." Sambit niya ng masuyo kong pinaghiwalay ang kanyang mga hita. We're both naked under the covers.

"Devone." Bulong ko habang dinadampi-dampian ng halik ang kanyang leeg. "Let's stay in bed for a while."

"That's very tempting." She whispered back. "However, I need to go to school. I have to wake up Davian so he can prepare for school. You need to get ready for work as well." Mahabang saad niya.

"Argh." Natigilan ako sa paghalik sa kanyang leeg dahil dito. "Ang hirap mo namang landiin!"

Natawa siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ako sa pisngi saka bahagyang bumangon para dampian ako ng halik sa labi. "Sige na."

Natigilan ako ng pinalo niya ako sa pang-upo. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay nang hindi pa rin ako umaalis sa ibabaw niya. Napapalatak na lang ako at napipilitang umalis sa ibabaw niya tsaka bumaba ng kama.

Kipkip ang kumot sa kanyang dibdib ay pumasok siya sa loob ng banyo. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng puting silk robe. Nakaipit din pataas ang buhok niya kaya kitang-kita ang maputi at makinis niyang batok.

Nauna na siyang lumabas ng kuwarto pagkatapos. Nang makapagsuot ako ng boxer shorts at puting sando ay sumunod na rin ako sa kanya. Agad ko siyang napansin na nasa harapan ng gate nang bumaba ako ng hagdan. Isang pamilyar na matandang lalake ang kausap niya.

"Mang Gener!" Masigla kong bati dito ng makita ang butihing matanda.

"Ikaw pala! Kumusta na dok?!" Ngiting-ngiting tanong nito.

Puro puti na ang buhok nito at marami na ring kulubot sa mukha. Pero tignan mo nga naman, hanggang ngayon ay supplier pa rin pala ito ni Devone ng pandesal?

"Ayos lang ho?! Kayo ho?" Balik ko sabay inilagay ang kamay sa likod ni Devone na may hawak na brown paperbag na tiyak na may lamang pandesal. "Hanggang ngayon po pala nanliligaw pa rin kayo sa asawa ko. Di ka pa ba binabasted ni Devone?"

Destined to be Yours Book 2Kde žijí příběhy. Začni objevovat