Chapter 40 Please Say Yes

4.5K 306 190
                                    

"Never give up trying to do what you really want to do. Where there is love and inspiration you can not go wrong." 


Gio POV


"Will you go on a date with me on Valentine's day?"

Lakas loob ko itong itinanong sa kanya habang nakaluhod ang isang tuhod sa sahig, nakaupo siya sa gilid ng kama at animo'y parang isang reynang nakatunghay sa kanyang hari este kawal. Kawal lang muna kasi hindi pa niya ako tinatanggap.

Napakiling ang kanyang ulo na parang nag-iisip sa kung anong isasagot sa akin. Napalunok ako dahil pakiramdam ko mabobokya na naman ako ngayong gabi. Haist, lagi na lang ba?

Pero puno pa rin ng pag-asam na naghintay ako sa isasagot niya. Lihim na nakikiusap kay Lord na sana ay umoo na siya. Sa mga pinaggagawa kong 'to baka naman may ano... reward? Hay, kahit na wala basta umoo siya? Ha? Ang gulo ko!

Si Irish kasi e...

Kapagkuwa'y napansin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. "I'll think about it." Muntik ng mapaawang ang bibig ko sa isinagot niya. "But first, I want to see what you were wearing earlier before I give my answer."

Doon na talaga napaawang ang labi ko. Shit, ano ba 'yan?

Kunwari pa itong napahikab ng ilang sandali na akong nananatili pa rin sa kinaluluhuran. "What, Gio? I'm waiting." Tsaka ako binigyan ng bored look. Napahalukipkip siya habang nagta-tap pa ang daliri sa braso. "O matutulog na lang ako?"

Mabilis akong napatayo mula sa kinaluluhuran tsaka napakamot sa batok. "Hon naman..." Nakangusong reklamo ko.

"What?" Inip na inip na bigkas niya.

"Itinapon ko na kasi 'yon sa basurahan -"

"E di kunin mo ulit!"

"Sinunog ko na -"

"Argh! Gio!" Napaikot ang kanyang mga mata.

"Okay, okay heto na!" Baka tuluyan ng mainis ang reyna, 'yong oo ko baka mapurnada pa.

Bumalik ako sa loob ng walk-in closet para kuhanin ang paperbag kung saan ko ito inilagay din pagkatanggal ko nito. Nang bumalik ako sa harap ni Irish ay nahuli ko itong may sinusupil na ngiti pero agad nabura ng makita ako. Panigurado, lihim na pinagtatawanan ako nito. Hmp! Kung di ko lang ito mahal e!

Inilabas ko ito mula sa paperbag at ipinakita sa kanya. Saglit lang niya itong tinapunan ng tingin saka parang naiinip pa ring napatingin sa akin.

"Isuot mo." Utos niya.

"Ha?" Hindi ko yata masyadong naintindihan ang sinabi niya.

"Ang sabi ko, isuot mo. Gusto kong makita." Pag-uulit niya.

"E..." Muli akong napakamot sa batok habang nakangiwi. "Nakita mo na kanina..."

Poker face lang itong nakatitig sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Sige na nga."

"Hep."

Pigil niya sa akin ng akma na akong tatalikod patungo sa walk-in closet para magbihis. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Sa loob." Clueless na sagot ko sabay turo sa pinto patungo sa closet gamit ang hinlalaki. "Magbibihis ako."

"Dito ka na magbihis." Seryosong sabi niya.

Ibinuka ko ang bibig para sana magreklamo pero napatitig ako sa kanyang seryosong mukha. Nagkibit-balikat na lang ako.

IrishWhere stories live. Discover now