Chapter 15 Next To You

3.9K 281 128
                                    

"My favorite place in all the world is right next to you."


Gio POV


"Welcome to Matalinhaga!"

Masayang bungad ni Angie ng halos sabay kaming makababa ng kanya-kanyang dalang sasakyan.

Isang old renovated house ang tumambad sa akin, dalawang palapag ito. May kalawakan din ang kanilang driveway at may garden din sila na punong-puno ng iba't ibang klase ng mga namumulaklak na halaman.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Napakasariwa at aliwalas ng hangin dito. Probinsyang-probinsya ang dating ngunit progresibo.

Napatingin ako sa kanilang pinto na gawa sa kahoy na french door nang lumabas mula doon ang isang napakalaking aso. Kasunod nito ang isang matandang babae na marahil ay ang mama niya at isang napakagandang babae na siguro nasa edad bente-singko pataas. Ito siguro si Erich, ang asawa ni Angie.

"Ma!" Sinalubong niya ng halik sa pisngi ang kanyang mama.

"Buti at nakarating na kayo." Masigla nitong saad tsaka napatingin sa gawi ko.

"Love." Sinalubong naman niya ng mahigpit na yakap at halik sa labi ang magandang babaeng lumabas kanina. Hinalik-halikan pa niya ang sentido nito habang yakap-yakap.

Napangiti ako ng tipid habang pinapanood sila. Halata ngang mahal na mahal niya ito. At parang kilala ko na kung sino ang mas clingy sa kanilang dalawa. Mukha kasing mahiyain si Erich.

"Ma, love." Bigkas ni Angie ng lumapit sa kinatatayuan ko, akbay-akbay niya si Erich. "Si Gio po pala, 'yong sinasabi ko sa inyo." Pakilala niya sa akin. "Gio, ang mama Elena ko." Sabay mosyon sa matandang babae. "At ito naman ang pinakamaganda kong asawa -" Siniko siya ni Erich sa tagiliran na ikinatawa ko ng marahan. Napangiwi si Angie sabay napahawak sa tagiliran.

"Pinakamaganda mong asawa?" Kunot-noong tanong niya kay Angie. "So ibig sabihin may iba pa?"

Napangising nakangiwi tuloy si Angie saka napakamot sa batok. "Namali lang naman ako ng choice of words love." Nakalabi niyang tugon. "Sorry na ha?" Tsaka niya hinalikan sa ulo ang asawa.

Inirapan lang ni Erich si Angie. Ito na ang naglahad ng kamay sa akin. "Erich." Bigkas niya ng may ngiti sa labi.

"Gio." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Ikinagagalak kitang makilala." Sabi ko ng bitawan ko ang kamay niya saka napasulyap kay Angie. "Hindi pala naglalabis si Angie ng sinabi niya sa aking napakaganda mo." Lihim na nag-thumbs up sa akin si Angie na ikinangiti ko lalo.

"Thank you." Tugon niya.

"Aba ke-guwapo mo namang bata!" Bulalas ng mama ni Angie ng lumapit sa kinatatayuan ko. "Akala ko talaga lalake ka!"

Natawa ako ng marahan. "Salamat ho!" May halong biro ko saka napakamot sa batok. "Ituturing ko ho 'yang compliment Mrs. de Castro."

"Tita Elena na lang anak, ha?" Bigkas ni tita Elena. "Hindi ko tuloy malaman kung anong itatawag ko sayo kung 'hija' ba o 'hijo'." Nalilito niyang dagdag.

"Ma, mas prefer ni Gio tawaging hijo na lang!" Si Angie ang sumagot.

"Hala sige!" Sabi ni tita Elena. "Pumasok na muna kayo sa loob!"

Kinuha ko muna ang dala kong bag sa sasakyan bago pumasok sa loob ng bahay nila Angie. Tinatanong ng mama niya kung kumain na daw ba kami ng agahan, sinagot naman siya ni Angie na dumaan kami kanina sa isang restaurant sa daan bago umuwi dito. Maghahanda na lang daw sila ni Erich ng mamemeryenda at nagtungo na ang mga ito sa kusina.

IrishWhere stories live. Discover now